Chapter 14

1.7K 105 400
                                    

Chapter 14

Miscalculated

"I'm really, really sorry, Kuya..."

Ni hindi ko magawang makatingin nang diretso kay Kuya Orpheus. Noong araw ding iyon, inuwi na agad ako ni Apollo sa amin. Mabuti na lang at maaga ang dismissal nila Kuya at gabi nang nakauwi si Mama. Nanatili iyong lihim sa aming dalawa ni Kuya.

Iyon nga lang, naging malamig ang tungo niya sa akin sa mga nagdaang araw. Naiintindihan ko naman kung bakit. Kahit sino sigurong suwayin ko nang ganon ay sasama ang loob, e. Pero sa kaso ni Kuya Orpheus, alam kong sobrang dismayado ito. At may halong tampo.

Ngayong Biyernes na lang ako tuluyang gumaling. Kinailangan pang humupa ng huling ubo ko bago ako payagang pumasok ni Kuya.

Dahil kasi sa nangyari noong Lunes, lumala pa ang kalagayan ko. Imbes na ilang araw na lang sana ang absence ko, dumami pa tuloy dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Nandyan na si Apollo sa baba. Pumasok na kayo."

Tumango ako. "Ikaw rin, Kuya. Ingat ka..."

Bumuga ito ng malalim na hininga bago ako hinigit para yakapin at patakan ng halik sa tuktok ng ulo.

"You should be the one receiving that reminder. Mag-ingat ka sa school niyo. Message me when something happened again, okay?"

Napangiti ako. "Okay."

They're too worried. Nagkasundo ang dalawa na ihahatid-sundo ako ni Apollo ngayong araw.

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Apollo pagkapasok sa kanyang kotse. Sinuklian ko naman iyon.

It feels nice to see my friends again. Nakapagpasalamat man sa chat, alam kong hindi pa rin iyon sapat kaya hinihintay ko talagang masabi iyon sa personal.

"Thank you so much, Apollo. For standing up for me last time. I really mean it..."

"Always, dear. No one messes with my best friend." There was no humor in his tone.

One squeeze and we withdrew from the hug.

After that incident, unlike what I anticipated, no one sent me bashful messages so far. Inisip ko, baka wala naman talagang pake ang mga tao sa nangyari, bagay na pabor sa akin.

Despite that, some friends, classmates, org mates, and schoolmates wished for my fast recovery. Maging sila ay hindi na rin inungkat ang isyu kaya malaki ang pasasalamat ko roon. After all, maybe people are more considerate than I expected.

"Are you sure you're going to be fine?" ani Apollo habang binabagtas namin ang daan patungo sa opisina.

"Oo naman!" Of course, I paired it with my usual smile.

Kabaliktaran noon ang reaksiyon ni Apollo. He rolled his eyes and shook his head to me.

"Minsan, dumarating ako sa puntong mas gusto ko pang makita kang umiyak. Kaysa nagtatago ka sa lecheng ngiti na 'yan."

Napalabi ako.

Well, I guess he knew me too well.

"A-attend kami nila Kenna mamaya. Wish you luck! Sabihan mo agad ako kapag may nangyari na naman, ha?"

Hindi ko alam kung tatawa ako o ano. Pero tumango na lang ako. Pareho sila ni Kuya.

"I will! Thank you! Good luck din sa last day ng trade show!" I waved at him.

Dahil Friday na, huling araw na rin ng Festival Week. Last day man ito ng trade show para sa ibang org and club, para sa aming JBA at SCBA, ito naman ang araw ng main event namin. Ngayon na gaganapin ang symposium.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now