Chapter 6

2.4K 113 479
                                    

Chapter 6

Observant

 

"You what?"

I sighed at Apollo's frustration towards me.

"Malakas ang kutob kong sinadya niya iyon."

I heard him curse in the background. "Ay, ang gaga! Inulit niya nga!"

Hindi ako nakapagsalita. Malalim na ang gabi at handa na sana akong matulog nang humiling ang kaibigang makichika.

He asked me what happened during the welcome party and, of course, I couldn't stop myself from sharing my thoughts about the strange incident. Kanina pa iyon bumabagabag sa akin at malabong makatulog ako nang payapa sa ganoong kalagayan. Kapalit nga lang noon ang sermon mula kay Apollo. Pero mas mainam na iyon kaysa ang kimkimin ito.

"He has motives after all..." katwiran ko pa.

"Nandyan na nga tayo, e. May motibo, dear. But it doesn't mean someone would always do something about it. Pwedeng pinalagpas na lang! Knowing Giovanni Smith, as everybody would say, he's naturally forgiving and compassionate. For sure, kahit pa pinahiya at sinigawan ng kaibigan, pinalagpas niya lang iyon at nag-o-overthink ka lang!"

Naisip ko, baka nga binibigyan ko lang ng ibang kahulugan at malisya ang nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba masyadong perpekto ang tingin ng mga tao sa lalaking iyon kaya hinahanapan ko ng kapintasan. O sadyang hindi lamang maayos ang first impression namin sa isa't isa kaya hamantong sa ganito.

"Plus, based on your story, it's clear that the girl is simply delusional and demented. Kung ano-ano nang naririnig at iniisip dahil lang doon! Mabuti nga at mabait ang Adonis ko para palagpasin at intindihin ang Caratulang iyon! Nawala lang ako, nag-iilusyon na ang gaga!"

Tuluyan na akong hindi nakaimik. I just laid down on my bed and listened to Apollo's utterances, mulling over the likelihoods of the situation, including the flaws in my thoughts.

Nang napansin niyang ilang minuto na akong hindi nagsasalita, tumigil siya kalaunan at bumuntong-hininga.

"Hey, are you still with me?"

"Oo," buga ko ng hininga. "Napaisip lang ako sa sinabi mo. Baka nga tama ka. I was just overthinking and overanalyzing things."

"Girl, I mean, don't take it against me-"

Tumawa ako. "No! Hindi, a! I just realized it. You got a point!"

It took him a while to retort. Base sa naririnig ko sa background, hinuha ko'y nagi-skin care ito habang nakikipag-usap sa akin.

"Listen to me, okay? Kumpara sayo at sa lalaking iyon, hindi hamak na mas kilala kita. It's harder for me to judge the guy than to evaluate the story based on my knowledge of you. That's why my opinion is more centered on you, dear. Hindi na ito bago. You think I would forget? You even watched me closely earlier this morning with that guy, Diego! I can't believe you! Alam mong ayaw ko sa madadaldal!"

I chuckled languidly. Naalala ko nga iyon. I didn't intend to make it so obvious, though. It was just a spur of the moment. However, Apollo continued with his litany.

"For years of being friends with you, I noticed how serious you overthink, Riz. I'd always tell you to loosen up dahil pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Live your life without sacrificing your peace of mind, dear. Give yourself a break, okay?"

Napatikhim ako, akmang magsasalita nang muli niya akong agapan.

"Would you rather put your SHS life in vain again? Just like how you lived your junior high years?"

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now