Chapter 18

2.4K 100 203
                                    

Hello! Yes, finally here's the update! My deepest apologies for delaying the update so much. I have been so occupied and bombarded by heavy workloads even up to this point, but I am still hoping that you, guys, are still enthusiastic about reading the story just as how you were the last update.

Nonetheless, I thank you all very much for still giving me a chance to compensate for my shortcomings. Rest assured that every waiting game is worth it. I love you all and always keep safe. Have fun reading!
---

Chapter 18

Nominated


"So it was you..." he almost whispered.

My heart faltered at his confirmation. But when he faced me, I was able to grant myself a sweet, delicate smile.

"So are you... Yves..."

That confirmed everything. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang all this time ay si Yves lang pala ang tao sa likod ng sulat na iyon.

All this time, abot-kamay ko lang pala ang posibleng kasagutan sa mga tanong ko. Na hindi lamang guni-guni ang lahat... hindi ako nag-iisa. Marami kaming nakakapuna ng mali sa katauhan... niya.

Sa mga oras na iyon, nakaramdam ako ng kakampi sa katauhan ni Yves...

"Same order?" aniya pagkahanap namin ng puwesto.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatayo sa harapan ko bago nagtungo sa counter.

I followed him with my gaze. Napagkasunduan naming mag-usap muna pagkatapos ng tagpong iyon. Sakto namang hindi makakapasok ang una nilang prof kaya tiniyak naming hindi doon magtatapos ang hindi inaasahang eksena.

We drove to the same coffee shop we went last time. Same spot. Sa sulok ng kanang bahagi ng lugar. Kahilera namin ang entrance ngunit sapat ang distansiya sa iba pang customers dahil nasa kadulu-duluhan kami.

Binalik ko ulit ang tingin kay Yves. Para lang siyang estatwa habang nakapila, nahuli ko pa itong natutulala. My lips protruded.

Pansin ko rin na parang kanina pa siya wala sa sarili. Mula sa paglalakad namin patungo sa parking lot hanggang sa pagmamaneho niya patungo rito, tila may malalim na iniisip at hindi maproseso ang lahat.

"Hindi ko siya masisisi," I whispered to myself as I stared at his way. "We're both flustered... kanina..."

Pinilig ko ang aking ulo at napapikit sandali. Hindi ko matatanggi dahil kahit ako, nasa proseso pa rin ng pag-unawa sa lahat. Simula noong araw na natagpuan ko ang sulat hanggang sa kasalukuyan. No. My mind went further than that day. Now, it makes sense!

Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata, halos mapatalon ako sa kinauupuan nang tumambad sa harapan ko ang matamang tingin ni Yves, animo'y kanina pa nakatitig.

"You look tired," he said before he leaned back in his seat and gazed out at the slow-moving traffic through the window pane.

Napakurap-kurap ako, hinayaan ang sariling matulala sa kaharap.

Bakit ngayon ko lang napansin? O baka pa matagal na akong may ideya. Pero ngayon ko lang nakumpirma?

Even before, something about the way Yves gazed at Mr. Giovanni felt strange and off, but I just gave him the benefit of the doubt since they're very close.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now