Chapter 37

1.5K 73 248
                                    

Chapter 37

Flirty


Si Gio ang nagpaalam kay Kuya para sa akin habang nag-aasikaso ako.

Dahil sa gasang nakabalot sa kaliwang braso, kinailangan kong magsuot ng cardigan sa ibabaw ng bestida.

Good thing I had a plain white crop-top cardigan in my dresser. Bumagay iyon sa kabuuang anyo ng blusa. Pinili ko ang flat shoes na minsan ko lang din magamit dahil hindi ko kakayaning mag-heels sa uri ng lugar na gusto kong puntahan namin.

I wonder if he'll like it. That place has a special place in my heart, so it will be terrific if he finds it fun, too. But the moment I laid my eyes on him downstairs, I started to doubt.

We looked like we're going to attend a semi-formal party. Baka mas gugustuhin pa niyang magtrabaho kesa mag-aksaya ng oras sa ganitong bagay.

"Mag-iingat ka. Sabihan mo agad ako sa mga nangyayari sayo," mahigpit na bilin ni Kuya.

Hindi ko pa man nabubuka ang bibig ko, hinawakan na agad ni Gio ang likod ng ulo ko.

"I'll keep an eye on her and make sure she's safe," sabi niya sabay alalay sa akin palabas.

Sinundan kami ni Kuya hanggang sa makaabot na kami sa sasakyan ni Gio. Mariin niya akong tinignan at kalaunan ay bumuntong-hininga na lang.

"Behave yourself, Riz. I'm warning you."

Ngumuso ako. Bukod sa sugat ko, masigla na ang buong katawan ko. Dalawang araw ba naman akong nagpahinga!

"Hindi na ako bata, Kuya. Magpapakabait ako."

"Why is this making me nervous?" I heard Giovanni razz from behind.

Buti na lang hindi iyon narinig ni Kuya. Umatras na siya para bigyan kami ng daan.

Kinalas na ni Gio ang pagkakahalukipkip ng mga braso para pagbuksan ako ng pinto sa front seat. Nilahad niya ang kanyang kamay para alalayan ako sa pagpasok, kasabay ng pagsilong niya ng kamay sa ulo ko.

"Watch your head. Careful."

I chuckled as soon as I settled. "You both need to calm down."

I waved Kuya a see-you-later before we headed out. Since when did I become this carefree? I don't know!

Hindi ko alam kung dahil ba tinanggap ko na sa sarili na deserve kong magpahinga at gawin ang mga gusto ko ngayon, o dahil si Giovanni naman ang kasama ko. He gave off a "nothing will go wrong when you're with me" energy, kaya panatag ang loob ko sa kabila ng mga naiwang gawain sa school at mga problemang nakapasan sa likod ko.

Namangha ako sa posibilidad na iyon. How could one person give you a sense of guarantee that everything will be alright, despite knowing that everything's on the verge of collapse? I can't believe this. And Giovanni of all people.

"Do you like the dress?" Gio asked with his eyes fixed on the road.

I blinked fast when I realized he wanted to hear my comment on the outfit, and that I haven't said my thanks to him personally yet.

"It's lovely. I prefer this kind of dress and the measurement fits me well. Nagustuhan ko. Salamat..."

He nodded. I noticed how his tensed shoulders relaxed a bit.

Hindi ko na alam kung anong pag-uusapan pagkatapos no'n. Wala akong ideya kung saan na tinangay ang lakas ng loob na meron ako kanina.

"Earlier... what did you call me?" Then here's Gio all of a sudden. "Say it again."

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now