Chapter 34

1.3K 81 173
                                    

Chapter 34

Mannerism


"Anong sabon gamit mo?"

Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap sa isang scholar, napalingon ako sa isa pang scholar na Grade 11.

Kanina ko pa napapansin ang titig niya sa akin kaya medyo naiilang ako. All this time, 'yun pala ang gusto niyang itanong.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o ano, hanggang sa nakipagkamay na sa akin ang isa pang scholar na ka-grade level ko lang.

"You must be Ophelia! Hindi ba't kapatid mo si Orpheus Mallari?"

"Uh. Yes," I smiled hesitantly.

"Oh, my gosh? Totoo nga! Nasaan siya? Dapat isinama mo rito!"

I probably looked constipated right now. They sure picked the strangest questions to ask, huh?

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon dahil wala rin akong ideya kung saan nagsuot si Kuya. Basta bigla na lang siya nawala kanina.

Dahil ayaw kong mapag-isa kasama si Mama, pinili kong hagilapin si Guillen para mangamusta, kaso bigo ako dahil hindi ko rin ito matunton sa table nila.

That's why I end up here with my fellow scholars to introduce myself to the new ones. Na-realize kong hindi rin siguro magandang pagkakataon ito para lapitan si Guillen dahil... ibang-iba na siya sa nakagisnan ko.

It finally occurred to me that the worlds we live in are different. In the first place, she's of a different caliber, especially now.

Sa maikling panahon, wala na ang tigyawating Guillen. It's like a glow up was her beauty's only option, while I stayed the same without any progress. Napanguso ako.

Malapit na magsimula ang party dahil mayamaya, umingay muli ang paligid pagkapasok ng mag-asawang Fabian mula sa entablado.

"Wow," manghang sambit ng katabing scholar. "First time ko lang sila makita sa personal. Kayo, Ophelia? Diba kayo ang una nilang scholar?"

Tumango ako. "Oo."

"Swerte! Mababait talaga sila?"

I smiled instinctively. "Hmm. Sila ang pinakamabuting taong nakilala ko."

Those who heard my heartfelt remark parted their lips in awe. I smiled even more before turning my gaze back to the stage.

Tita Jean looked dashing as always in her glittery silver long gown with a plunge neckline and cape sleeves. Tinernuhan ito ng asawang si Tito Vince suot ang kakulay na suit at trousers, habang nakapaloob ang puting dress shirt.

Bago pa man magsimula ang pagsalubong nila sa mga guest, panibagong pamilya ang pumasok sa bulwagan.

Every head I could see turned to look in that area. I did the same and saw unfamiliar foreign-looking, middle-aged people together with some familiar men.

No one dared to approach them because, maybe like me, it was the first time they witnessed this family at one of the Fabians' parties. Surprisingly, they were headed toward the table next to the Smiths'. That was the moment they were approached by others because it seemed like... they were connected to the Smiths.

Tumayo sina President Coleen at Mr. Ambrose. Sinundan iyon ng mga anak ngunit agaw-pansin ang mabagal na pagtayo ni Gio mula sa kanyang upuan.

Collins whispered something to him as they waited for their turns to greet the newly arrived guests. Pero tila walang naririnig si Gio. Diretso lamang ang tingin sa mga bagong dating, partikular sa tatlong pamilyar na kalalakihan.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now