Prologue

13.1K 275 268
                                    

Prologue


"I want you alone tonight. Let's..." he groaned and grabbed my arms forcefully.

My eyes dilated. Like a spring, I pushed his chest and retracted from his lap, gasping.

Dinaig ko pa ang tumakbo nang ilang kilometro sa sobrang agresibo ng puso. Dinig ko iyon. Walang panapat ang malakas na tugtugin sa labas ng private room.

Confused, aggravated, and disgusted all at the same time, I stared at my freaking... wasted... boyfriend.

What the hell is wrong with you, Yves?

Sa kabila ng madilim na paligid, kita ko pa rin ang paglukot ng mukha niya dahil doon.

"What the fuck is your problem, Riz? I'm so sick of this! Boyfriend mo ako! No need to play hard to get!"

"I said no, Yves! Hindi ibig sabihin na tayo, pwede mo na akong galawin kahit kailan mo gusto!"

"Oh, yes, I can! You're mine! Anong gusto mong gawin ko? Sa iba ako humiling, ha, Riz?"

What?

Huminahon ang boses niya ngunit hindi noon napawi ang takot ko nang tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin.

I took a step back, eyeing the door, ready for a quick exit if things took a wrong turn.

This is unbelievable. The realization that I have to be cautious around my boyfriend alarmed me. A relationship should never feel dangerous. I know he's just drunk; he's not usually like this.

But this...

This is a red flag.

"Riz, pagbigyan mo na ako. You came to this club to see me, not to mention that outfit. Why did you suddenly wear that? You wanna look prettier now, huh? Because you're jealous?"

Malagkit siyang sumulyap sa aking katawan at hinarang ako sa madilim na sulok ng pribadong silid. His breath smells like whiskey and cig.

My heart pounded dangerously. Sinisigaw ng sistema kong itulak siya at tumakas. Pero parang inugatan ang mga paa ko sa sahig, halos hindi makagalaw at nabablanko ang isip.

"Don't tell me you traveled all the way here without thinking of sharing heat with-"

Halos lumipad ang pinto sa lakas ng pagkakabukas noon. Tuluyang pumasok ang matinding ingay na nililikha ng club sa loob ng private room na ito.

Marahas akong napalingon samantalang napasuntok pa sa dingding si Yves, napamura, at saka pa lang bumaling sa mga dumating na kaibigan.

Saved by the bell! I celebrated mentally in relief. But that was before our situation latched on me.

Isa-isang nagsidatingan ang mga kaibigan ni Yves, mga upperclassmen. Nagkumpulan sila sa hamba ng pinto at pare-parehong gulantang ang hitsura habang nakatanaw sa eskandalosong posisyon naming dalawa.

"Kaya ba pinalayas mo kami kanina? Kasi darating ang girlfriend mo?"

Ramdam ko ang panlalamig ng katawan.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now