Chapter 11

2K 120 488
                                    

Thank you so much for 20k followers! Hope you enjoy this update :)
---

Chapter 11

Credits

  

"Good afternoon!"

"It's nice to see you, guys, again!"

"How's your lunch, kids?"

I was with Seka. After dismissal kasi, nakaabang na siya sa labas ng classroom para sabayan akong mag-lunch bago pumunta sa meeting.

Pagkapasok pa lang namin sa malawak na office ng SCBA, napuno ng bati, kaway, at ngiti ang salubong sa amin ng mga college.

Politely, I smiled and greeted them in return.

I fathomed it was their nature. Sa COS pa lang dati, agaw-pansin na ang pagiging high spirited ng mga taga-Mackenzie. I thought it was only a facade exclusive for a head start. But scenarios like this have proven that they're consistent.

"Oh, ito na pala 'yung iba sa JBA," sabi ng bagong pasok at pamilyar na lalaki.

My eyes widened a fraction as recognition passed through my face. Wasn't he the guy from before?

Tumayog ang hinala ko nang bumukas lalo ang pinto dahil nagsikapsukan na rin ang iba pang Student Council officers na lalaki, may mga buhat na kahon kaya agad kaming napatabi ni Seka para magbigay-daan.

"Tabi, Russell!" Luigi struggled as he lifted the box to the corner.

Napakurap-kurap naman ako nang dumaan sa aming harap sina Wesley, Yves, at Mr. Giovanni, may mga buhat din at sa kabilang side naman nilapag. Ang ibang officers naman na nasa opisina, dumalo sa kanila para maglahad ng tubig at tissue.

I witnessed how Luigi took one of the bottled waters and hurled himself in the lounge.

Yves was already expectant as he faced our way. While as per Mr. Giovanni, I caught him kindly refusing any offers with his eyes fixated on Russell.

Nanliit ang mga mata ko nang sinundan iyon.

"Hey!"

However, Yves approached, drying himself with a towel as he neared us.

"Yves!" si Seka.

Tumango ako. "Hi."

"Kanina pa kayo rito?"

"Hindi, hindi! Kararating lang din namin." Si Seka talaga ang nakakasagot agad.

Instead, Yves remained glancing at me. Napilitan tuloy akong tumango para ipakitang sang-ayon ako sa sagot ng kaibigan.

Sa sulok ng aking mga mata, tanaw ko ang paglakad ni Mr. Giovanni patungo sa table na malapit sa amin. May tinignan siyang logbook doon.

Umiwas na lang ako ng tingin nang bumati si Luigi. Bumati rin kami pabalik.

"Nasa loob na sina Luisa kasama ang ibang officers niyo. Pasok na kayo sa conference."

Yves started walking to take a seat, too.

"Okay. Thank you!"

"Sige. Pero log in muna kayo, a?"

"S-Saan?" I winced because we were about to step towards the room, but suspended by that.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili. Why am I so antsy?!

"Dito ata!"

Bago pa man makasagot si Luigi, hinila na ako ni Seka patungo sa lamesang kinaroroonan ni Mr. Giovanni. I almost pulled away for my life.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now