Chapter 25

1.3K 78 108
                                    

"The last page turned is a perfect excuse to write a whole new book." —Toni Sorenson

Happy New Year, embers! New year, new chapters in life to write. Here's my last update for 2022 that proves Kingma's right when she said, "holding on is believing that there's only a past; letting go is knowing that there's a future."
---

Chapter 25

Love

   
I tapped my foot on the floor relentlessly. I bit my nails, eyes wandering around the room with the sounds of my raving pulses.

Bigla akong napatindig nang nahanap muli ng mga mata ang pinto.

Should I leave before it's too late? I groaned when I realized I had tried that idea a minute ago and now, look where I am. I went back inside the moment I opened the door!

Pagkasilip sa relo, quarter to 7 pa lang. Alas syete ang usapan. Sinong matino ang pupunta nang maaga para pagsisihan din sa huli? I should have known that visiting this place after almost a year would haunt me!

In the first place, hindi ko rin alam kung anong masamang hangin ang umihip at pinaunlakan ko ang imbitasyon ng lalaking iyon. Isang taon man ang lumipas, oo. Pero hindi ka pa rin ba nadadala, Riz?

I heaved a deep sigh and slapped my forehead.

Let's see what he got in store for me first. Kung mapatunayan niyang matagal na akong pinagtataksilan ni Yves at mayroon siyang matibay na ebidensiya para suportahan ang argumentong iyon, I might consider.

He was so committed to proving his point yesterday. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang umabot sa ganito para lamang patunayan ang sarili sa akin. Siguro pati iyon... gusto ko rin malaman kung bakit. Kaya ako narito ngayon.

I sighed for the nth time.

Why are you suddenly reaching out to me, Mr. Giovanni?

I imagined him standing before me. I lifted my face as I estimated our height difference.

"Gio? Hmm. Gio..."

The mere sound of it from my lips made me cringe. This is ridiculous. What was that for? Hindi porque tinatawag na niya ako sa pangalan ko ay dapat ko na rin siyang gayahin, 'di ba? He can do whatever he want! I do me!

Agad na naputol ang kabaliwan ko nang sumilip ang liwanag mula sa labas, senyales na bumukas ang pinto.

Hinanap ng mga mata ko ang bagong dating at napaayos ng tayo nang nakumpirma kung sino iyon.

"How long have you been waiting?" Mr. Giovanni asked as he closed the door behind him.

Inayos ko ang strap ng bag sa balikat ko. "Kadarating ko lang din."

Tumango siya. Nilapag niya ang kanyang bag sa isang table. Namataan ko ang nilabas niyang brown envelope bago siya naglakad patungo sa akin.

"Shall we get down to business, Ophelia?"

Upon hearing him call my name effortlessly, I pursed my lips into a thin line.

"Sure."

Hinila niya ang tall chair sa harapan at dinala iyon malapit sa akin. Sa pag-aakalang ginawa niya iyon para sa makaupo siya, napamulagat ako sa sunod niyang sinabi.

"Be seated."

"Mas kumportable ako rito," tukoy ko sa pagkakasandal ko sa book shelves, umiiling.

His brows shot up, amused, then he chuckled languidly.

"Is that right? Let me try."

Halos malaglag ang panga ko nang tumabi nga siya sa akin. Agad na binalot ng pabango niya ang sistema ko kaya napausog ako sa gulat.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now