Chapter 6

67K 2.9K 1.5K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 6

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 6

Marianne

Gabi nang sunduin niya kami sa motel. Siya na rin ang nag-check out para sa amin. Sinundan pa ako ng tingin ng tao reception na para bang may masama akong ginawa. Pinangwalang bahala ko na lang at sinundan sa labas si Ryan.

Nilapitan nito ang isang magarang sasakyan. Malaki ang gulong at may kataasan. Nissan Terra na kulay itim. Binuksan niya ang likurang pinto. Hinagis doon ang bag namin at pinasok ang galon ng tubig. Pagkatapos ay binuksan ang passenger seat, nilingon ako.

"Saan mo kami dadalhin?" demand ko.

Mabigat itong bumuntong hininga. "Saan pa? Edi sa bahay ko." Sabay-nguso sa loob ng sasakyan. Tinuturo sa aking sumakay na.

Para akong pinaglalaruan ng puso ko. Kanina pa ako kinakabahan at wala na yatang pahinga ang puso ko roon. Dadalhin niya kami sa bahay niya. Kahit na hindi ako pumayag sa DNA na gusto niya. Eh, pero, paano kung ipilit niya? O kaya palihim niyang kuhaan si Bruce ng sample?

Pero hindi ko naman pinilit sa kanyang sustentuhan ang pamangkin ko kaya bakit niya gagawin iyon? Para makasigurong anak niya nga si Bruce?

Napalunok ako nang wala sa oras. Baka . . . baka may binabalak siyang iba. Dapat kong paghandaan ang araw na malalaman niya ang totoo. Kung sa pera, kailangan kong makapagtrabaho agad nang makaipon pambayad sa kanya. Ngayon ay may sampung libo na akong utang sa kanya. Iba pa kung papatuluyin niya kami sa bahay niya mismo.

Sumunod din naman ako at sumakay. Kinandong ko si Bruce. Naalala ko iyong unang beses na nakasakay ako sa sasakyan niya. Unang rumehistro ang mabangong amoy. Ang sasakyang gamit niya ngayon ay iba. Ni hindi naging malikot si Bruce at manghang nakaupo lang sa kandungan ko. Pareho kaming nanliliit ang pakiramdam sa loob ng malaki at magarang sasakyang ito.

At iyong nangyari sa loob ng sasakyan niya noon . . .

Sinarado niya ang pinto—kaya bahagya akong napaigtad at umikot sa kabilang gilid. Napalunok ako. Kahibangan kung iisipin ko pa iyon gayong nasa ganito kaming sitwasyon.

Secret ServiceWhere stories live. Discover now