Chapter 4

114K 3.2K 1.8K
                                    

Note: Original version (3rd pov of Prologue to Chapter 4 were published May 27, 2020)
Update: This is now Marianne's pov (Sept 20, 2023)

---

Chapter 4

Marianne


Kinaladkad ako ni Kuya paalis ng motel na iyon. Kahit na may ibang nakatunghay sa paghila niya sa akin na halos wala na akong maitago sa katawan sa iksi ng bestidang suot ko. 

Kumukuyom ang kanyang kamao. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit pagkatapos niya akong makita roon. 

The woman he booked was his own sister! He wanted to throttle my neck right at that moment. He slapped me twice. Nagpantig ang pandinig ko. Sinigawan niya ako at halos maputol ang paghinga ko. Humantong ako sa pakiramdam na para akong mawawalan ng malay. 

Pigil akong umiiyak at humingi ng tawad sa kanya. Pulang-pula sa galit ang mata at mukha ng kapatid ko. He wanted to hurt me until I couldn’t move my own feet. He wanted everything to turn upside down para lang mabago lahat pero hindi niya kayang gawin. 

Matalim niya akong nilingon pagkapasok sa loob ng bahay. I was trembling. Nahuli niya itong nagbebenta ng aliw.

“Kailan mo pa ‘to ginagawa, Marianne?!” 

Hindi ko siya matingnan. Tumakbo ako sa loob ng kwarto at ni-lock ang pinto. Narinig ko ang mabagsik na hakbang ni Kuya Stefan at halos tibagin ang pinto sa lakas ng palo nito. 

“Lumabas ka d’yan, Marianne! Kailan ka pa nagpapakaputa?!!”

He furiously kicked the door and I jumped. Hindi ko iyon binuksan. Pero ang sunod kong narinig ay ang pagwawala nito sa labas. Takot na takot ako sa kanya. Pinaghahagis nito ang mga gamit sa labas.

Tinakpan ko ang bibig matapos kumawala ang malakas na hikbi. Basang-basa ang mukha ko dahil sa walang ampat na pagluha. 

“Itigil mo ‘yang ginagawa mo, Marianne! Dahil hindi ako mangingiming saktan ka hanggang mabaldado ka kung ipagpapatuloy mo ang pagbebenta mo ng katawan mo!” malakas niyang sinipa ang pinto ng kwarto ko. 

Pagkatapos ay narinig ko ang malakas na balya ng pagsara sa pintuan sa labas. 

***

“Sinugod kami rito ng kuya mo! Nagwala at pinagtatadyakan ang mga gamit ko! ‘Nak ng putcha oh! Kung hindi pa tinakot ng dalawang boy ko rito, malamang na sunugin din niya ang bahay ko!” 

Napasinghap ako. “Pasensya na po.” Tanging iyon ang nasambit dahil sa sunod-sunod na pagsasalita ni Mamay sa linya.

“Ako man ay nagulat na kapatid mo pala ang nag-book sa ‘yo. Pero akala mo kung sinong lalaking malinis na kung magalit ay para bang hindi nanggagamit ng mga babae. Hindi ko pababayaran sa ‘yo ang mga sinira niya dahil si Rochel na raw ang bahala. Pero hindi na kita pababalikin dito at baka magkita pa kami sa selda!”

Napangiwi ako sa pang-insulto nito sa kapatid ko. Alam kong galit na galit si Mamay sa kanya. I couldn’t blame her. After all, labag naman sa batas ang negosyo niya. 

Hindi umuwi ng gabing iyon si Kuya Stefan. Sa dalawang gabing magkasunod ay walang humpay akong umiiyak. And in just two consecutive nights ay nabagong bigla ang takbo ng buhay ko. Nagsimula at sunod na natapos din. 

***

Dumaan ang mga araw, linggo hanggang mga buwan na hindi umuwi o nagpakita si Kuya Stefan. Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi sinasagot at kung minsan ay pinapatayan ako ng telepono. 

Alam kong namumuhi siya sa akin pero… hindi ko matatanggap na iiwan na lang ako ni Kuya dahil sa kanyang nalaman. Pinandidirihan niya baa ko? At paano ang pinagkakautangan niya? Paano kung tuluyang ipakulong ang Kuya ko?

Secret ServiceWhere stories live. Discover now