Chapter 26

50.8K 2.4K 1.1K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 26

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 26

Marianne

Umaga pa lang ay gumayak na ako sa pag-alis namin ni Ryan. Kagabi ay inayos ko na ang ilang gamit ni Bruce. Nauna na akong nag-ayos kaysa kay Ryan. Nang matapos ay nauna na rin kami ni Bruce na bumaba. Tinext ko si Lola. Naroon na raw sila sa bahay ng Tiya Belen. Nakapamalengke na rin sila kahapon. 

Binaba ko sa upuan si Bruce. Ang cellphone ko ay nilapag ko sa counter para kunin ang binake kong double chocolate cake sa refrigerator. Kumuha ako ng foil at dinagdagan ng balot ang box ng cake. Ang sabi ni Ryan ay wala namang diabetes ang Mama at Lola kaya okay lang itong cake. Iniisip ko pa ang mga dapat dalhin. May nakalimutan pa kaya akong gawin? Sobra akong kinakabahan. 

“Marianne? Baby?” rinig kong tawag ni Ryan sa sala. 

“Nandito kami.” sagot ko. Binalikan ko ang fridge at mabilis na pinasadahan ng tingin ang laman no’n. I was so tense. Scared. Conscious. Kinagat ko ang labi at nag-isip pa ng dapat dalhin sa Lipa. 

“Hey . . .” 

Narinig ko na lang mahinang boses ni Ryan sa gilid ko. Niyakap ako at hinalik-halikan sa leeg. “Sa tingin mo, okay na kaya itong dala natin? Ano pa ba ang gusto ng Mama at Lola mo, mmm?” tanong ko sa kanya. 

Inabot niya ang pinto ng ref at sinarado. Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Tinabingi niya ang ulo at nilubog sa leeg ko para mas mahalikan pa niya ang balat ko. He kissed and let me feel his warm tongue over my skin. It started to light a small fire in me.

“You worry too much. Your cake is fine. Believe me.” bulong niya sa akin at isang beses pang kinagat ang leeg ko. I felt the sharpness of his front teeth tugging my skin. 

“Ryan.” Warning ko sa kanya at naramdaman kong medyo masakit ang pagkagat niyang iyon. “Baka may mabili pa tayo sa labas na pasalubong—“ hinila na niya ang kamay ko paalis sa tapat ng ref. 

“They can surely buy their own faves on the way here. Hayaan mo na sila. Ang mahalaga matuloy ang kasal natin.” Kinuha na niya ang cake at ang bag ko. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now