Chapter 7

60.4K 2.9K 1.9K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 7

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 7

Marianne

"Bakit niya ako hinalikan?" tanong ko sa sarili nang makapasok sa kwarto namin ni Bruce. Iyon at iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan ko hanggang sa makahiga ako sa kama. Ingat na ingat pa akong hindi magising si Bruce dahil sa sobrang lambot ng kama.

Mainit ang labi niya. Naamoy ko ang kapeng ininom niya. Pati ang natural niyang amoy ay para bang rumehistro sa isipan ko. His scent is not strong. Malamig pa nga sa ilong. Lalaking-lalaki pero masarap amuyin. Napatitig ako sa puting kisame. Joe Ryan Del Carmen . . . I recited his full name. He matured. But he seems to be playful for me.

Nakita ko siyang, ay hindi pala, hindi ko nakita kung anong ginawa nila ng bisita niyang babae sa loob ng opisina niya. Napakadaling manghusga ng tao. Girlfriend niya kaya iyon? Sabi niya wala siyang asawa, 'edi girlfriend malamang meron. Hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko. Hindi porke't hinalikan niya ako, may kahulugan na agad iyon. Siya pa naman yata iyong uri ng lalaking papalit-palit ng girlfriend.

Napangiti ako. Nanghusga pa rin ako. Napailing ako at tumagilid ng higa. Nilagay ko sa ilalim ng pisngi ang dalawang mga kamay at tumitig sa pader. Simpleng halik lang iyon. Baka nga goodnight kiss lang. Sa . . . labi?

Nagsalubong ang mga kilay ko. Siguro ang tingin niya sa akin ay tulad noong unang beses niya akong nakilala. Napapikit ako. Hindi. Hindi ako papayag na ganoon ang gawin niyang trato sa akin. Hinding-hindi ko na iyon uulitin. Kung inaakala niyang ipambabayad ko ang sarili ulit kapalit ng tulong niya, doon siya nagkakamali. Hindi na iyon mauulit pa!

Mabigat akong bumuntong hininga at dumilat. Tila may gumuho sa dibdib ko. Nakakadismaya.

**

Maaga akong gumising kinabukasan kahit na napuyat ako kakaisip kagabi. Sa loob pa lang ng kwarto namin ni Bruce ay naglinis na ako. Nagligpit ng gamit. Hindi gano'n karami ang gamit naming dalawa kaya kailangan kong maglaba araw-araw para may maisuot ulit sa mga susunod na araw.

Kahit na natutulog pa ay pinalitan ko na si Bruce ng diaper. Pagkatapos ay kumuha ako ng basahan at pinunasan ang salamin ng bintana. Ang banyo ay sinabunan ko. Mag-aalas siete nang lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakakabingi ang katahimikan sa buong bahay. Ang mga huni ng ibon ay naririnig ko pa mula sa labas. Pinasadahan ko ng tingin ang sala. Pinaplano ko na ang paglilinis dito mamaya pati sa labas.

Secret ServiceWhere stories live. Discover now