Chapter 27

49.3K 2.5K 976
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27

Marianne 

Hindi ko maiwasang ngumiti kahit palihim habang dinadama ang palad ni Ryan sa kamay ko. Magkatabi kami sa upuan at para bang kambal na hindi mapaghiwalay. Our hands were always locked. Nang magkamot siya ng sintido niya ay kasama pati ang kamay ko na para bang walang silbi ang libre niyang kamay. 

Si Bruce ay nakatulog sa kwarto nina Tiyang Belen habang pinag-uusapan ang tungkol sa mabilisang pag-aasikaso sa kasal. Maraming gustong gawin ang Mama niya. Habang ang Lola Fely ay gusto pang magkaroon muna ng engagement party na tinutulan naman ni Ryan. Tinanong niya ako. Tulad niya ay ayaw ko na rin no’n.  

Sasamahan ako ni Ma’am Carmela na humanap ng gown. Maglilista ako ng mga kasama sa entourage. Nauna na nga sa isipan ko si Wilma. Kung papayag si Archer ay siya na ring ka-partner niya. Ang venue ng kasal ay gustong gawin ni Ryan sa Agoncillo. Sa Villa Jovita para roon na rin ang reception at pwede pang mag-enjoy ang mga bisita. He asked me for that. I couldn’t disagree. Pero ang Tiyang ay iginiit na sa Lipa Cathedral gawin imbes na outdoor ang seremonya. His mother agreed. Nagkatinginan kami ni Ryan. 

“Church wedding it is, ‘Ma.” Sagot niya habang nakatunghay sa akin. Nginitian ko siya at pinisil ang kamay niya. 

Nilapag ni Ma’am Carmela ang tasa ng Tsaa at tiningnan ako. “Gusto mo bang tumira sa isang farm, Marianne? Kung sakaling lumipat kayong dalawa ng matitirhan,” 

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Ryan. Napatingin ako sa kanya pero hindi niya ako nilingon. 

Ma’am Carmela smiled at my reaction. “Meron kasi kaming farm sa Lemery. Pag-aari ‘yon ng asawa ko at doon din lumaki itong binata ko. Naakit kasi ito sa Maynila kaya iniwanan ang farm namin. Kung gusto mo ay iyon na ang gawin ninyong official residence. I’m sure his father will be happy in heaven.” 

“Paano naman po ang bahay ko sa Agoncillo? Kabibili ko lang no’n, ‘Ma.” 

“Sale it again. Dahil ba roon kaya ka napirme ng Batangas?”

Nilingon ako ulit ni Ryan. “She made me stayed here in Batangas.” Sabay kindat sa akin. 

Tinitigan ko siya. He looked straight in my eyes I couldn’t cut it off. I started to smile at him and my heart swelled in bursting of happiness. We were getting married and he was in love with me. I couldn’t contain this happiness I had. 

Secret ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon