Chapter 15

56.8K 2.3K 1.6K
                                    

Chapter 15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 15

Ryan

“Woah dammit!” hindi ko hinihiwalay ang tingin sa kalsada nang lumipad at nag-party sa loob ng sasakyan ko itong manok na pasahero ko. Lumipad pa sa kandungan ko. Minsan ding sumisiksik sa ilalim ng upuan. Sinasalpok ang sarili sa bintana. Nambubulabog sa ingay. It feels so uncomfortable. “Manahimik ka ngang manok ka! Kakatayin na kita!” hamon ko. “Kung hindi mainit ang dugo ko, hindi kita agad ipiprito.”

Suddenly, I hate the smell, the feathers, and its throat. I just hate because I hate it! I hate being in between of situation I cannot avoid. I damnly hate it when there’s a woman involved. The woman who’s sleeping in my bed with me. 

Bumagal lang ang takbo ng sasakyan ko nang maging pamilyar sa akin ang kalsadang tinatahak ko. Inabot ko ang cellphone at dinayal ang numero ni Archer. Dalawang ring lang, sinagot na niya agad. “Nasa’n ka?” I put him in a loud speaker. Then he heard the rooster’s singing voice. I know he heard it. 

“Lipa.” Maiksi niyang sagot. Pagkatapos ay tumahimik ng ilang segundo, “Nasa loob ka ba ng kulungan ng manok?” natatawa nitong tanong sa akin. 

Mula sa rear view mirror ay binigyan ko ng matalim na tingin ang manok sa likod ko. “Bigay ni Francis.” Pakiramdam ko tuloy pasan-pasan ko ang problema ng manok sa likuran ko. It’s a gift and I’m grateful but my mood couldn’t cooperate with me. 

“Oh, I see. Napatawag ka?” 

He’s still making fun of me. I cleared my throat. “Tutal nasa Lipa ka pa, ipapahanap ko sa ‘yo ‘yung grupo na pinagkakautangan ni Larazano.” Sigaw ko sa linya. 

“Uhuh,” 

Kumunot ang noo ko. Nai-imagine kong nagustahan nito ang sinabi ko o parang inaasahan na niyang ipapagawa ko iyon sa kanya. Whatever it is, I’m still not going to fire him. I grinned. Business is business and Archer is a good asset. Sometimes liability. 

 “Alam mo na?” hula ko. 

I heard him scoff. 

“Gusto kong malaman kung magkano ang utang nila ro’n.” dagdag ko. 

“Uhuh. I have the address of their headquarters.” 

“You’re fast.” 

“I just need to squeeze her friend, Wilma. She gave me enough details.” Pagmamalaki nito.

Tumaas ang kilay ko. I have this funny comment of him but my passenger sang again. Pero nakaramdam din ako ng pag-aalala. Tiniraydor na ba ni Wilma ang kaibigan niya? Nasilo siya kay Archer? Did he seduce her? Oh damn. I don’t want to hurt Marianne if she ever found this out. 

“Nakalimutan mo na yatang mag-report sa ‘kin?” 

He chuckled. “I will. Pagbalik ko d’yan. I’m still enjoying my vacation here in Lipa.” 

Secret ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon