Chapter 28

48.9K 2.1K 791
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 28

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 28

Marianne

Bumalik ulit sila kinabukasan para dalawin si Bruce. Pero ginagawa lang nila iyon para unti-unting masanay si Bruce na nakikita sila at nakakasama. Mabait si Riza. Ang kanyang asawa na si Jerome ay tahimik na pinagmamasdan ang asawa sa tuwing nilalaro nito at kinakausap si Bruce. 

Pinakita niya rin sa akin ang litrato ni Lorena. Doon ay nakita ko ang hawig nito sa bata. Bruce was lucky. Kahit ganoon ay nasisiyahan na rin ako. 

Hinayaan naming makipaglaro si Jerome kay Bruce sa labas. Nasa sala kami ni Riza at nakatanaw mula sa bukas na pinto. Si Ryan ay nasa opisina kasama ang Kuya Stefan ko. Like them, he came back too. May pinag-uusapan sila ni Ryan na hindi ko pa naitatanong kung tungkol saan dahil mukhang seryoso iyon. Pero hindi ko magawang iwan kahit saglit si Bruce. 

“Matagal na naming gustong magkaanak ni Jerome. Pero sa kasamaang palad, hindi kami makabuo.” She looked at me. Ngumiti pero malungkot ang mga mata nito. Yumuko siya at pinagsalikop ang mga kamay. “Siguro parusa ‘yon sa akin dahil hindi ko man lang dinadalaw ang kapatid ko. Hindi ko siya kinumusta. May tampuhan kaming magkapatid at pinabayaan kong hindi kami mag-usap ng ilang taon.” 

Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko siya. Gusto kong makasigurong mabubuting tao ang mapupuntahan ni Bruce. 

“Sinabi sa amin lahat ni Stefan ang nangyari kay Lorena. Nakakulong na rin daw ang hayup na lumapastangan sa kanya.” dumiin ang pagkakalapat ng labi niya tanda ng nararamdaman nitong galit kay Roger. “Wala siyang karapatan sa ginawa n’yang iyon sa kapatid ko. At mas lalong wala siyang karapatan sa pamangkin ko.” 

Bumuntong hininga ako. “Iyon din naman ang huling hiling ni Lorena.” 

Hinawakan niya ang kamay ko. Malamig iyon at bahagyang nanginginig. I looked up at her. 

“Marianne, alam kong napamahal na sa iyo si Bruce. Hindi ko, hindi ko alam kung paano makakabawi sa ‘yo. Sa pag-aalaga mo sa pamangkin ko. Habambuhay kitang pasasalamatan. Hindi ko naman ilalayo sa iyo ang bata. Pwede mo pa rin siyang tawagan at puntahan. I will give you our address. At sisiguruduhin ko sa ‘yong magiging maginhawa ang buhay niya sa amin.” 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now