Chapter 14

62.9K 2.5K 902
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 14

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 14

Marianne

Shades of blue and scent of chocolates. Ang kama ni Ben ay makitid at maliit pero mataba ang kutson. May cartoon character na naka-imprint sa unan at kumot nito. Ang dingding ay nakukulayan ng madilim na asul at ang sahig ay nababalutan ng velvet na carpet in the shades of blue. Ang kwartong ni Ben ay naghuhumiyaw ng kulay asul. 

Sa corner, sa tabi ng bintana niya ay may naka-display na lifesize figure ni Iron Man. Ang kanya namang estante ay naka-hang sa dingding ay naglalaman din ng kanyang collection ng action figures. Marvel heroes, Star Wars at mga maliliit na sasakyan. 

Sa ulunan ng kama ay may nakadikit na poster ng Anime. Modern ang pagkakaguhit sa Anime na iyon. At ang tanging alam ko lang yata na Anime ay Ghost Fighter. May presence din ng bookshelf, study table and chair. Ang mga laruan nito ay nakagarahe sa gilid o hindi kaya sa sulok ng kwarto. May gaming console na naka-hang sa likod ng flatscreen TV. Basketball na nakasabit sa likuran ng pinto na may net pangsalo. 

Tinunghayan ko siya sa kanyang study table na nagsasagot ng maiksing quiz na binigay ko. Mahiyain siyang bata. Siya iyong may ugali na masungit sa umpisa, pero dahil siguro hindi niya mahawakan ang sarili kung paano iha-handle ang pagiging mahiyain. Some, may misunderstood him. Kung iisang point of view lamang titingnan at kung hindi kikilanin ng may tiyaga ay susukuan din siya. 

Tahimik ito pero marunong makinig. He’s the kind of student na malimit pag-usapan sa klase pero kapag tinanong ay may isasagot sa iyo. An aloof, bright and shy boy. 

Nilipat ko ang atensyon sa librong binabasa ko. May assignment pa kaming tatapusin. Tatlong oras ang Tutorial namin. Out of curiosity, nilingon ko ang nakasaradong pinto. Sinusubukan kong pakinggan ang kalabog sa labas at baka lumabas na rin ng kwarto niya si Rochel. Hindi ko kasi siya nakita nang dumating ako. Si Tetay naman ay halos walang kibo sa akin. Nanghinala ako kanina na baka wrong timing na naman ang dating ko. Pero naabutan ko si Ben sa sala at ang sabi sa akin ay hinihintay niya raw ako. 

I summoned a sigh and went back to reading. But my mind was suddenly hacked by the man named Ryan Del Carmen. 

Normal kaya itong nararamdaman ko? Iyong pagpasok ng pangalan sa isipan ko ay siya ring pagbilis at pagpaparamdaman sa aking tumitibok pala ang puso ko. I also felt the knots in my stomach. Then his kisses flew like a wind in my soul. His touch, his warmth, his murmurs. All went back like a missing parts of my body. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now