Chapter 11

56.6K 2.4K 750
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 11

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 11


Marianne

Ngayon na ako naniniwalang, may mga salitang hindi na maaaring bawiin pa. Kumporme pa sa taong nakarinig nito. At sa taong tulad ni Ryan, wala yata sa bokabularyo niya ang umatras sa mga hamon. 

He was been eyeing me since I entered the kitchen. Nang buhatin ko si Bruce ay malakas itong tumikhim matapos ibaba ang iniinom na kape. Nang sulyapan ko, natagpuan ko ang malalim niyang pagbuntong hininga na para bang naiinip ito sa kung ano. 

Hindi ito umalis kahit na tapos nang mag-almusal. He lingered on his chair quietly and obediently stayed calm. Paminsan-minsan niyang kinakausap si ate Ephie. Nagtatanong kung may kailangang bilhin o may gustong bilhin sa labas. Magtatawanan sila at biglang magtutuksuhan. Na kung minsan ay nararamdaman kong may laman ang tuksong iyon. 

“Siya nga pala, ganda.” siniko ako ni ate Ephie, “Napansin kong kakaunti lang ang damit mo at ni baby Bruce,” kuryoso niyang tanong habang nagpupunas sa counter island. 

Kinandong ko si Bruce. Hindi pa nito tapos kainin ang kapirasong tinapay na binigay ko sa kanya. Nag-angat ako ng tingin kay ate Ephie. Sa kabilang gilid ko ay alam kong nakatingin din sa amin si Ryan. Naghihintay marinig ang isasagot ko. 

Nahihiya akong ngumiti. Nauwi sa pilit na ngiti sa huli. “Ilang piraso lang po ang dala kong damit.” Amin ko. 

Ngumuso siya. “Oo nga. Paulit-ulit nga ‘yang sinusuot mo. Wala akong malaba kundi puro damit ni Ser Ryan,” reklamo niya. 

Gusto kong matawa sa reklamong iyon. Kakaiba. Pero nakakahiya rin naman sa akin. Hindi bale, pagkasweldo ko kay Rochel, bibili agad ako ng ilang pirasong damit. Ang matitira ay iipunin ko o ipambabayad ko na lang kay Ryan. 

Umahon sa pagkakaupo si Ryan. 

“Let’s go.” Bigla niyang aya sa akin. 

“Agad-agad, Ser?” makahulugang tanong ni ate Ephie. Na para bang alam na niya agad ang ibig sabihin ni Ryan. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now