Chapter 29

54.8K 2.3K 809
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 29

Marianne   

Bumalik muna kami sa opisina niya para makapagpaalam kina Archer at Kuya Stefan. Nagbilin din siya kay Marcy at kinausap sandali iyong dumating na kliyente nila na babae. 

Parehong tahimik na tumango lang sina Kuya sa kanya. Lalo na nang malamang tungkol sa kasal namin ang dadayuhin sa Metro Manila. Sa Quezon City ang binigay na address ni Tita Carmela. Iyon ang shop no’ng isang couturier. 

Kinakabahan ako. Nae-excite. Parang hinahalukay ang tiyan ko maisip pa lang na makikita ko na ang wedding gown ko. Si Ryan ay bahagyang tahimik habang nagda-drive. Mayroon tumawag sa kanya pero sandali niya lang kinausap. Tipid ang pananalita niya at mabilis ding binaba ang cellphone.  

Nararamdaman kong baka naiistorbo ko rin ang trabaho niya. Alam kong patuloy pa rin niyang hinahanap ang nawawalang anak ni Francis. Hindi niya iyon susukuan hanggang sa makakuha ng detalye tungkol sa sanggol. 

I knew, he asked Roger about it. Sa pantaha ko ay may nalalaman din doon ang lalaking iyon. At ngayong nakakulong na siya, wala na siyang dahilan pa para ilihim ang lagim sa buhay ni Francis. 

Pagdating namin sa shop ay naroon na rin si Tita Carmela at Lola Fely. Mula sa magandang sofa ay tumayo sila para salubungin kami ni Ryan. Mahigpit ang yakap sa akin ni Tita Carmela at ngiting-ngiti. Inakbayan niya ako at hinila palapit sa isang mannequin na walang ulo. 

“Ito na, hija, tingnan mo,” turo niya sa akin sa puting gown na nakasuot doon.  

Nilingon ko muna si Ryan sa likuran. Nakita ko siyang tinatanggal ang magazine na nasa sofa at saka naupo roon. 

Napanguso ako. Nagpaakay na lang ako kay Tita Carmela. Lumapit din si Sir Ruru na isa sa mga nanahi at nagdisenyo ng gown ko. He happily explained to me the design, its explanation and the materials they used. 

“Ang ganda-ganda mong bride, Marianne!” tila kinikilig at excited niyang sabi. 

Tumawa si Tita Carmela at pinisil pa ang braso ko. 

Secret ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon