Chapter 21

52.9K 3K 1.7K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 21

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 21

Marianne

Inipit ko sa ilalim ng strap ng bra ang damit kong nahati sa dalawa para matakpan kahit papaano ang itaas ng bahagi ng katawan ko. Hindi pa iyon sapat pero nakakatulong na rin para maibsan ang nararamdaman kong, nahubaran ako. Aalisin ko sa isipan kong ginawa niya ito sa akin. Hindi siya karapat-dapat. Mas lalong wala siyang karapatan. I own my body. No one’s ever have a right to touch me without my will. He’s such a filthy maniac old man. 

Nahinto ako sa ginagawa nang marinig ang malakas na dagundong sa sahig. A stereo. May nagpapatugtog ng malakas sa baba. Hindi ako pamilyar sa lumang kanta pero napakalakas ng tugtog na para bang gustong yugyugin ang bahay. 

Hindi ako tumayo. Kung makakapag-isip siguro ko nang maayos . . . pero napapagod ako. Bumabagsak ang mga mata ko. Kumikirot at namamaga ang ilang bahagi ng katawan ko. Ilang beses na ba akong nakipaglaban sa buhay? Sa kapalaran? Bakit . . . bakit hindi naman ako pagbigyan sa magandang hinaharap kung wala naman akong nasaktang tao? Dahil ba sa mga utang na tinakbuhan ko? 

Nanghihina kong sinandal ang likod. I am still breathing, then I still have purpose. Kung magpapakahina ako dahil sa sakit ng katawan, ako rin ang matatalo. But I’m still a human. Hindi ako immune sa sakit. Kailangan ko ring magpahinga. Wala akong kain. Gusto ko mang kumain, hindi ko naman kayang sikmurain. 

“Nasaan ka na, Ryan? Bakit hindi mo pa ako makita?” halos hindi ko marinig ang sariling boses nang salitain ko iyon. Pero imposible ring panghinalaan niya sina Roger kung pumupunta pa ito sa bahay niya na parang mga tunay kong kaibigan. 

Hanggang kailan, Ryan?

Tila sanay na sanay na ang mga mata ko sa landas ng luha ko. Bruce. Kuya. Hinihintay na nila ako. Kailangan nila ako.

Matapos ang ilang sandaling pagpapalakas ng loob, tumigil ako sa pag-iyak at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi. Bakit ako iiyak? Hindi naman ito makakatulong. Dadagdagan lang nito ang sakit ng kalooban ko at ulo. 

Pumikit ako at malalim na bumuntong hininga. Kung pipiliin kong maging mahina, manghihina nga ako. Pero kung pipiliin kong maging matatag, tatatag din ako. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now