Chapter 18

45.1K 2.2K 877
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 18 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 18 

Marianne

Napaigtad ako matapos matalsikan ng mantika mula sa kawali. Nag-landing sa kamay kong may hawak ng sense. Mabilis na sakit lang pero agad na namula ang balat kong natamaan. Kumuha ako ng takip sa cabinet at nilagay sa piniprito kong tokwa. 

Napabuntong hininga ako at muling tiningnan ang niluluto. Binaliktad ko ang tatlong square ng tokwa, nagalit ang mantika kaya tinakpan ko ulit. Kinulong ko ang isipan sa paghahanda ng hapunan. Hindi mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Roger Zamora. Nanlalamig ako at kinabahan. The nausea reign in my head. Kaya pilit kong ginagawang okupado ang isipan ko dahil ayokong magpatalo sa memoryang iyon. 

Tinungo ko ang oven. Sinilip ang nakasalang doong chocolate cake. Bahagya akong napangiti nang makitang tumataas na ang cake sa bilog nitong lyanera. Umaasa akong tama ang measurement namin ni Ate Ephie. At sana ay magustuhan ni Ryan. 

Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Mag-a-alas seis na ng gabi. Anong oras kaya siya uuwi? Wala akong lakas ng loob na i-text siya. Baka hindi kayanin ng puso ko ang pwersa ng pangalan niya kapag nag-reply ito. 

Bumalik ako sa harap ng kalan at hininaan ang apoy. Sinilip ko ang tokwa. Binalik ko ulit ang takip. Sumandal ako sa counter at binasa ulit ang text ng Kuya ko. 

Kuya Stefan: 

Huwag mo munang ipagsabi na tinawagan kita. Kahit kina Lola Josie. Mangako ka, bunso. 

Tipid akong ngumiti. ‘Bunso.’ Tinatawag ako ng ganoon ng Kuya ko kapag naglalambing siya sa akin. Madalas niya akong tawagin ng ganoon noong mga bata kami. Noong wala pang impluwensya ng problema. Noon ang pinag-aawayan lang namin ay ulam at bentilador. Mababaw akong tumawa habang nakatitig doon. I miss it. I miss them. I miss him. 

Nang pumanaw ang mga magulang namin, kay Kuya Stefan ako dumipende. Gusto kong palaging sumusunod sa kanya dahil iyon ang palaging bilin ng mga magulang namin. Dahil mas matanda ito sa akin. 

Pero nang dumating ang unos sa buhay namin, nagpaagos naman ito. Iniwan ako sa Bangka mag-isa. Nang bumalik ay sumandali lang ito at iniwan din ako agad. But he left Bruce. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now