Chapter 2

84.3K 2.7K 817
                                    

Chapter 2

Marianne

"Balot! Balot kayo d'yan!"

Wala sa sariling nilingon ko ang tindero ng balot na papalapit sa kinatatayuan namin. I felt cold in a white tube top na panay ang baba ko sa may tapat ng pusod dahil sa kaliitan nitong damit. At maong shorts na halos nobenta porsyentong bahagi ay nakalabas ang mga hita ko.

Rochel volunteered to do my makeup. A heavy makeup for my taste. A red eyeshadow, black mascara and bloody red satin lipstick. Ang malalaking dangling earrings na sa pakiramdam ko ay kasing bigat ng mga librong dinadala ko sa eskwela araw-araw.

"Hoy balot pabili nga!" isang babaeng halos hubad na ang katawan ang tumawag sa tindero. Ngumisi ang lalaki at pinasadahan ng tingin ang tumawag sa kanya.

"Ilan ba, Miss sexy?" animoy naka-jackpot ang tindero sa mga babaeng nakikita sa gilid ng kalsada.

"Sino may gusto, girls?" lingong-tanong ni Naomi sa mga kasama habang ang stick ng sigarilyo ay nakaipit sa gitna ng kanyang dalawang daliri. Nakahalukipkip at hindi pinansin ang ngisi ng tindero. Sanay na sanay na ito sa ganitong uri ng pagpapansin sa kanya o sinuman sa mga kasama niya.

Nagtaasan ang mga babaeng may gusto. Kabilang na roon si Rochel. Hindi ako kumibo. Niyakap ko lamang sa sarili ko.

"Marianne, ayaw mo ng balot?" untag ni Rochel na nakapulang tube top naman at black denim short shorts. Naka-heels na isang dangkal ang taas. But there's no muscle formed on her smooth legs.

Bahagya akong umiling at muling yumuko. Nagkibit-balikat si Rochel at nagbigay ng bayad sa tindero.

Nagkagulo ang mga babae sa balot at penoy na binili. Doon na rin kumain at nagkakatawanan, biruan habang wala pang mga kliyenteng dumarating. They were all young women. Some maybe were still in College. Pero dahil sa higpit ng pangangailangan ay sa ganitong trabaho napunta imbes na sa marangal na part-time job.

They needed easy money. Malaki at madaling kitain. At higit sa lahat ay nasusunod ang luho ng ilan. Pagka-graduate naman nila ay iyon na rin ang hangganan ng pasok sa Secret Service. Makatwiran man o hindi, I couldn't judge them by their own discretion. Katulad na lang din nang aking naging desisyon na sumama.

Kulang trenta minutos ang lumipas nang natanawan naming may paparating na mga sasakyan.

Dumagundong ang dibdib ko sa labis na takot. Takot na dumaong sa isip ko na tila gusto ko nang umatras sa gagawin. I am afraid to accept that a stranger will take my body. That what scares me the most. I don't know the guy. What if... what if he would hurt me?

But then, am I entitled to backout? I need money. I need it as soon as possible and this is my only way. It is for my brother.

Lumunok ako. Tiningnan ko ang bawat isang naririto. Ako lang ang kinakabahan. Ako ang baguhan. Walang may pabor sa iniisip kong umatras. Hindi sila ang mawawalan kundi ako lang.

Huminto ang naunang itim na Pajero. May kalumaan ang kaha pero nagmukhang ginto iyon sa mga mata ng mga babaeng kasama ko. Nang binaba ng driver ang salamin ay dinumog agad nila ito. Pinapanood ko sila habang hindi umaalis sa kinatatayuan ko.

"Hi, pogi!" Naomi sexily greeted.

A third-year college student from ComSci Department. Pinaraanan nito ng nang-aakit na haplos ang panga ng kararating lang na lalaki.

"Baka gusto mo mag-take out?" then she winked at him seductively.

Hinagod ito ng tingin ng lalaking sa hula ko ay nasa singkwenta ang edad. Paputi na ang buhok sa gilid ng tainga. He smirked at her.

Secret ServiceWhere stories live. Discover now