Chapter 30

56.9K 2.1K 1.3K
                                    

This is the last chapter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This is the last chapter. Epilogue is next. Thank you for reading. Salamat din po sa mga palaging active sa comment haha. Nakakatuwang basahin. Magkukumare na ba kayo? Walang away-away, ha? Chill chill lang ☺ Maraming salamat po!!

*

Chapter 30

Marianne    

Hindi ko alintana ang pag-ihip ng malakas na hangin. I tried to hide the pang of pain from my chest. Binaba ko ang kamay at hinawi ang mga tuyong dahon na siyang tumabing sa kanyang pangalan sa lapida. 

Nahirapan man akong lumuhod ay balewala lang sa akin. Lumalapit pa lang ako ay nanginginig na rin ang mga tuhod ko. I pinned my trembled lips together and sighed. Ngumiti ako pero nanginginig ang mga labi ko. 

Anong nagawa ko? Kundi ang tingnan ka lang at pagmasdan. 

“I’m sorry . . .” I murmured. Tila humigpit ang lalamunan ko sa pagbulong ko. 

Umihip ang malakas na hangin. Tumingala ako. Ngumiti ako sa langit. Pero bumalong lang ulit ang luha sa mga mata ko. 

***

Matapos ang mahigit isang oras ay nagpasya na kaming magbihis para makauwi na rin. Ryan was grinning at me while watching me covering my breast. Parang tuwang-tuwa sa nakikita. Bumalik na siya sa driver’s seat at nakapagpantalon na rin. Naiwang tahimik habang nakatingin sa akin.

Tinaas ko ang strap ng bra ko at sinulyapan siya. Nakasandal na ito sa upuan at tinitigan ako. Hindi na naman ako nahihiyang nagbibihis sa harapan niya. We made love more than once here in his car. Nakita na niyang lahat. Ano pa bang maitatago ko sa kanya? Pero heto siya at kung makatingin sa akin ay para bang first time niyang nakita ang kahubaran ko. 

“Ano?” 

He grinned wider. “Ang ganda mo.” Tinaas niya ang mga kamay sa manibela. Hindi pa rin niya binubuhay ang makina kaya’t dinig-dinig ang bawat naming paghinga at pati yata paglunok niya ay umaabot pa sa pandinig ko. 

Ngumiti ako. Pagkasuot ng bra ay agad kong sinunod ang pang-itaas ko. 

“Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin? Sa kakatitig mo?” wala sa sariling tanong. 

He sighed exasperatedly. “Hinding-hindi ako magsasawa sa pagtitig sa ‘yo, Marianne. Araw-araw kong ia-appreciate ang ganda mo at ang swerte ko dahil ako ng pakakasalan mo.” He eagerly answered. “Hindi ka rin makakalabas ng kwarto kapag nasa honeymoon na tayo. I don’t think I will ever get tired of making love with you, baby.” 

Inayos ko ang hem ng damit ko at nakakunot ang noong tiningnan ko siya. Naghahanap ako ng ebidensya kung talagang nagsasabi ito ng totoo. I mean, kaya ba namin iyon sa buong araw? Ito pa nga lang ay tila binugbog na ang mga hita ko. Isang buong araw pa kaya? 

Though, hindi naman ako nagdududa sa kakayahan niya. Nang magsuot nga siya ng pantalon niya ay matayog pa iyong ‘anu’ niya. Sa tingin ko nga ay tinago na niya para makapagpahinga na ako. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now