Chapter 23

61.6K 2.7K 1.3K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 23

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 23

Marianne

Iniwan namin sa sala sina Archer at Wilma. Dinala ako ni Ryan sa opisina niya. Hinintay ko siyang magsalita. Mula sa drawer ng kanyang mesa at naglabas ito ng sigarilyo at lighter. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ngayon ko pa lang siyang nakitang maninigarilyo. 

He looked at me. Bago sindihan iyon ay kumunot ang noo niya. “Okay lang ba?” turo niya sa stick. 

Nate-tense na ako pero pilit kong tinataas ang noo. Hindi ko siya nginitian. Tumango ako at saka lumunok. 

“Thank you.” Sagot niya at saka sinindihan ulit ang lighter sa stick ng sigarilyo. Umikot siya sa harap ng mesa. Binuga ang usok papataas. Inusod ang ashtray sa gild ng mesa at saka siya umupo sa tabi roon. One foot landed on the floor and one foot hanging. 

Bumuntong hinga ako. Hindi ako lumapit sa kanya sa takot na manghina at baka gumuho ang pangharang ko sa lambing niya. Isang tingin nga lang niya sa akin ay mapapasunod niya ako. Pero gusto kong malaman ang lahat. May ideya akong pinapaimbestiga niya ang buhay ko nang hindi ko alam. 

Napako ako sa kinatatayuan na para bang tinubuan ako ng ugat sa sahig. Napaluok ako dahil sa kabang nararamdaman. My pulse races. Tumikhim ako. “Mula umpisa ba, alam mong nagsinungaling ako sa ‘yo nang ipaako kong anak mo si Bruce?” pilit kong nililinaw ang pag-iisip. Mula sa pinakaunang pagkakataon na nagkita kaming dalawa. Dahil iyong una . . . “Iyong gabing nagkita tayo,” he’s a professional. “Talaga bang babae ang hanap mo noon?” my heartbeat started to kill me. 

Humithit siya ulit sa sigarilyo. Matiim niya akong tinitigan. “Promise me first, you’re going to marry me?” he said that as if it’s his assurance. 

Hindi na ako natakot na tapatan ang pagtitig niya sa akin. Wala nang dahilan pa para ma-conscious ako sa tingin niyang tila tumatagos sa pagkatao ko. Tinging lumalagpas sa kung saan lang dapat ang hangganan ng matang iyon. 

I stared at him and calculated his movements like as if I could formulate a precise conclusion for him. If I am going to marry him, I have to get to know him. Pero dahil mahal ko na siya, hindi iyon nag-a-apply sa akin. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now