Chapter 25

54.2K 2.3K 962
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 25 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 25 

Marianne

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumayakap na sa akin. Lumundo ang kama. Bumangon ako at naamoy ang alak sa hininga ni Ryan. Umaalingasaw ang amoy na iyon at agad na nalukot ang mukha ko. Dinantay niya ang braso sa baywang ko. Yumakap mula sa likuran ko at dinampian pa ako ng maingay na halik sa batok. 

Patay na ang ilaw. Ang lamig ay nasa mataas ng temperatura. Hindi ko alam kung anong oras na pero parang kakaakyat lang din ni Ryan. Anong oras kaya ito umuwi? Nakainom pa. 

Nilingon ko siya. Agad na tumama ang hininga niya sa mukha ko. Nakapaligo na siya dahil naaamoy ko ang sabon at bahagyang malamig pa ang balat niya. “Ryan . . .” 

Gumalaw ito at mas lalong hinigpitan ang braso sa baywang ko. 

“Kumain ka na ba?” 

Dinig na dinig ko ang pagbuntong hininga. Mabigat. 

“Hmm, baby.” Bulong niya at saka nilubog ang mukha sa buhok ko. “Tulog na tayo.” 

Umayos ako ng higa at hinayaan na siyang makapagpahinga na rin. Tiningnan ko ang pinto. Nagpapahinga na rin kaya si Kuya Stefan? Sinong nagligpit ng mesa? 

Mas magaan na rin ang pagkiramdam ko ngayon kaysa kanina. Siguro dahil nakatulog ako. O hindi kaya dahil sa katabi ko. 

Pumikit ako at pinagpahinga ang iniisip. 

Paggising ko kinabukasan ay mag-isa na lang din ako sa kama. Bukas pa rin ang aircon. Pero mag-isa na lang ako. Bumangon na rin ako at nagligpit ng higaan. Pagpasok ko sa banyo ay naabutan kong nasa sahig ang pantalon ni Ryan. Pinulot ko iyon at nilagay sa laundry basket. Ito iyong suot niya kahapon no’ng umalis siya. Medyo marumi at may bahid pa ng lupa. 

Kumunot ang noo ko habang tinititigan ang maruming pantalon sa basket. “Ano kayang pinagkaabalahan niya kahapon?” naalala kong pagkauwi rin niya ay nakainom din siya. 

Nagligpit na rin ako ng ilang kalat sa banyo bago naligo. Pinagalitan ko ang sarili dahil hindi ako nagising nang tumayo si Ryan. Sinong magluluto ng agahan nila at ng dalawang guard sa labas? Baka pancit canton na naman ang ialok ni Ryan sa kanila. Maliban sa tinapay at kape, iyon ang nauunang isipin niyang lutuin. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now