Prologue

139K 3.1K 676
                                    

Note: This is Marianne's pov version.
Updated: 9/20/23

---

Prologue

Marianne

“Marianne Cielo... Lara... za… no!” 

Napatigil ako sa pagsusulat sa pisara at pagsasalita sa harap ng mga estudyante ko nang marinig ang pasigaw na tawag sa buong pangalan ko. Pati ang mga Grade 1 students ko ay napalingon sa bintana dahil sa nakakaeskandalong sigaw. Ang boses ay umaalingawngaw sa pasilyo.

Natahimik kaming lahat. Binaba ko ang chalk sa lamesa at pilit na ngumiti ng matamis sa maliliit kong estudyante.

“Okay, class. Isulat ninyo ang nilagay ko sa board on your number 7 notebook. Keep your eyes on the board.” Sabi ko. Dahil ayaw kong makuha ang atensyon ng mga bata mula pagalit na tawag sa pangalan ko.

Pinagpag ko ang mga kamay ko. Kabado at nanginig pati ang tiyan ko sa takot. I heaved out a deep sigh. Lumakad ako sa pinto at sinilip ang pinanggalingan ng boses na iyon.

“Marianne Cielo Lara—oh nand’yan ka naman pala, Miss Larazano. Bakit ‘di ka nagsasalita r’yan?” malisosyong tanong nito.

Halos mapakapit ako sa hamba ng pintuan nang makita at makilala ang apat na lalaking papalapit sa kinaroroonan kong classroom. Ang ilang co-teachers ko ay nakadungaw mula sa kani-kanilang mga kwarto at nakiusisa. Ang matandang gwardya ay manghang nakasunod sa apat na sinasaway pero tinatabig lamang ng lalaki ang kamay nito at masamang titingnan. 

“Magtigil ka ngang matanda ka! Naniningil kami ng utang sa babaeng ‘yan!” singhal sa kanya ng lalaking walang pakundangang tinatabig ang matandang guard ng school. 

Ang ilang mga estudyante ay nagtayuan na at nagtipon-tipon sa siwang ng mga bintana at maging sa mga pintuan. Agad na sinaway ng mga teacher nila at pinagpapasok sa loob. Fear crept on my co-teacher’s eyes, pero hindi pinapahalata sa mga bata. Habang ang matandang gwardya ay walang magawa dahil nag-iisa ito. Apat naman ang mga bagong dating. 

Nakangising huminto sa harap ko ang lalaking sa wari ko ay sumigaw sa pangalan ko. Ang tatlong kasama pa ay pinalibutan ang pintong kinatatayuan ko. Ang isa ay hustong lumapit, tinaas ang kanang braso at pinatong papaitaas sa pader. Sumandal at halos napaurong ako sa tangka nitong pag amoy sa buhok ko.

Hindi lang ako kinabahan sa takot. Kundi kinilabutan at nanlamig. Sinasadya ng mga ito ang ipahiya ako sa eskwelahan. I have morning classes. Ang pagpunta ng mga nito ay bagama’t hindi pare-parehong oras ay sa iisang kwarto lang naman siya naaabutan. 

They are obviously torturing me in humiliation. At wala akong magawa roon kundi ang makaramdam ng takot sa araw-araw na pagpunta ng mga lalaking haragan ang kilos at pananamit.

“Sana naman ay malaki-laki ang ibayad mo sa amin, Miss beautiful…” may pagnanasang pinasadahan ako ng tingin ng lalaking may katabaan. Kinagat pa nito ang ibabang labi. 

Napangiwi ako nang tumama sa mukha ko ang mabahong hininga nito na may halong sigarilyo pa. Bahagya kong nilingon ang mga estudyante ko. Nakatutok ang mga ito sa pisara at sinunod ang utos ko kanina. But I gasped in terror nang hawakan ako ng isa sa baba ko at pinuwersang pinaharap ang mukha ko. Agad kong iniwas ang sarili sa takot na kumulob sa dibdib ko. My initial reaction when someone touches me.  

Secret ServiceWhere stories live. Discover now