Epilogue

82.2K 3K 1.9K
                                    

Epilogue

Ryan

“Kailangan kong itago si Marianne ro’n. Baka madamay siya. That, will be a war.”

Iyan ang numero uno kong trabaho. Ang protektahan siya. Dahil tiyak kong mawawala ako sa katinuan kapag may nangyaring masama sa kanya. May pagka-selfish pakinggan, oo. At kaya kong sagupain ang lahat huwag lang siya magalusan sa balat. 

Wax chuckled over the phone. I grinned. Napailing pa ako. 

“There will be a fucking war if they’ll fight back. But then, mas maigi ngang ilayo mo si Marianne. O hindi kaya ay pabantayan mo sa army mo. Like what I’m doing with my wife and kids.”  

“You’re possessive, Wax. Kahit walang kalaban ay gan’yan ka na sa asawa mo.” 

He laughed. He was the master of evilness. 

“Well, pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa? Mas maigi nang handa ako kaysa maagaw sa akin si Anjelous. She’s too kind and fragile. Then I’m her dark side. I have the right to be overly possessive of her.” 

Napangisi ako. Naloko na. Kahit sa pananalita ay handang makipagpatayan itong kaibigan ko para sa asawa. Well, I don’t think it’s bad. Mahal na mahal niya lang ang asawa niya. Ginagawa niya lang ang tungkulin at responsibilidad niya bilang asawa ni Anj. 

I felt the same with my baby. Hindi pa man kami mag-asawa ay sobrang territorial at possessive na rin ako sa mahal ko. Ang gusto ko ay maayos lahat ng bagay para sa kanya. Kasama na roon ang tinakbuhan niyang lugar. 

Sa Lipa. 

Though, I already paid Stefan’s debt, I still have this tiny hole in my chest. Isa pa, gusto rin ni Wax na buwagin ang sindikatong tagaroon. Kaya naman bumuo kami ng plano para tuluyang masukob ang grupo. 

He had meetings with Lipa City Police Department and PDEA agents. I didn’t have any problem not until Stefan approached and volunteered to be an asset. He wanted to be involved in Buy Bust Operation. 

Damn. 

Hindi ko masabing natuwa ako sa kusa niyang paglapit. Dahil kapatid pa rin ito ni Marianne at delikado ang operasyong iyon. Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Natamaan o mamatay? Si Marianne ang lubos na maaapektuhan. 

Nilihim ko kay Marianne ang tungkol doon. Mas gusto kong igugol niya ang oras sa paghahanda sa kasal namin kaysa bigyan siya ng alalahanin sa delikadong operasyon na iyon. 

She was hurt when they claimed Bruce. Fuck. Hindi ko kayang makita siyang mag-isa na umiiyak. Para akong sinuntok sa dibdib. We couldn’t get him back because he wasn’t ours. But I will fucking make sure that we can see him again. Mabuti naman at maayos kausap sina Jerome at Riza. 

Then Stefan. He was sick. Naghanap ako ng espesyalista para sa kanya. He was very weary of himself. Na para bang wala na siyang kapagkapag-asa sa buhay. Pero kasi, naniniwala rin akong matagal mamatay ang masamang damo. Kaya may tiwala akong hahaba pa ang buhay niya. Nag-improve na rin ang medesina ngayon. If all he needed was money, then answered prayer. I could help him. 

“Sa tingin mo may pag-asa pa akong gumaling?” nag-aalangan pa rin niyang tanong. 

Bumuntong hininga ako. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip habang nakatingin sa kanya. We were at my office room in my house. Pinili kong kausapin siya nang hindi naririnig ni Marianne. 

But then, “You have to tell your sister about this. You’ll need her support. Saka baka patayin ako no’n kapag nagtagal pa itong lihim sa kanya.” udyok ko. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now