Chapter 4

26 3 14
                                    

Matapos akong maglinis ng aking sarili at magbihis lumabas na ako sa palikuran na ito na kay hirap unawain.

"Halika! Kumain na tayo. Sa sobrang tagal mo lumalamig na ang pagkain."

Tahimik lamang ako at pumunta na sa hapagkainan. "Salamat sa iyong kabaitan. Huwag kang mag-alala mababayarin din kita."

"Huwag na hindi mo na iyon kailangan gawin kusang loob ko naman ito." Ngumiti siya sa akin habang pinangsasandok ako ng kanin. Kaagad naman siya kumain. Nagulat ako sa kaniyang pinamalas na asal parang hindi siya babae kung kumain sa katunayan hindi na kain ang kaniyang ginagawa kung hindi lamon na.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang din ako.

"Nga pala mag-aral tayo ng Filipino ngayon. Para naman hindi puro si Google translate ang gamit natin. Tsaka ayaw mo yun? Magiging fluent ka sa language namin?"

Wala akong kibo dahil busy ako sa pagkain. Hindi ko alan pero napakasarap nito.

"Hayst... Ikaw ah puro pagkain iniisip mo."

"Ang sarap ng ulam anong tawag dito?"

"Ang tawag dyan sinigang. Siguro naman meron din kayong ganyan sa inyo hindi ba?"

Umiling ako. Wala pa akong nakakain na ganito. Ito na ang paborito ko ngayon. Bigla tuloy ako napigilan kumain nang may maalala ako.

"Kain na Kahir," sabi ni Kishana sa akin. "Ako ang may gawa niyan. Sana magustuhan mo ang luto ko."

Tinignan ko ang palayok. Baka na may mga paminta at toyo na may iba pang mga pampalasa.

"Ano ang tawag mo sa putahe na iyan?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam hayaan mo balang araw magkakangalan din ito."

Ngumiti ako sa kaniya at tinikman ang kaniyang lutong ulam.

"Kay sarap naman," pagpuri ko sa kaniya.

Namula naman ang kaniyang mga pisngi. "Sa totoo nga niyan kung bibigyan lang ako nang pagkakataon nais kong mamuhay ng simple tulad mo at magtinda ng mga ulam."

Sana ay matupad niya ang ganiyang mga pangarap. "Huwag kang mag-alala matutupad mo rin ang iyong mga pangarap. Balang araw... Magiging simple at tahimik din ang ating pamumuhay."

"Pasado na ba ako? Maaari na ba akong maging punong tagaluto ng palasyo?"

"Oo naman. Ito na rin simula sa araw na ito ang magiging pinakapaborito kong pagkain sa buong buhay ko."

Halos nalimutan ko ang pagkain ko dahil sa mga nasabi ko kanina. Siguro padalos-dalos lang ako non.

"O? Bakit ka napahinto? May mali ba sa luto ko? Hindi ba masarap?" Sunod-sunod niyang tanong sabay higop ng sabaw at tumingin siya sa akin. "Ayos naman ang lasa."

Umiling ako. "Walang problema sa iyong luto huwag kang mag-alala. Masyado mo naman inaalala ang iyong luto."

"Siyempre ah first time kong magpakain ng stranger sa bahay ko at ipatikim ang specialty ng lola ko."

"Pasensya na kung hindi magandang asal ang ipinapakita ko sa harap hapag kainan. May naalala lamang ako kaya ako napatigil sa pagkain."

Mapapatawad kaya ako ni Kishana? Paano kung malaman niya na nag-iba na ang paborito ko kakausapan pa kaya niya ako? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Nalilito ako kung ano ang gagawin ko kung umarte ako parang andito pa rin siya sa aking tabi.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now