Chapter 29

27 3 20
                                    

Ang hanging dito sa taas. Napansin kong lumanghap ng hangin si Sarah at binuga rin iyon. Humarap siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ang hangin dito no?"

Tumango nalang ako.

Natawa naman siya biglaan.

"May nakakatawa ba?" Tanong ko sa kaniya.

Tumawa lang siya ng tumawa.

Ayos pa ba ang babae na ito? Tumatawa na wala naman nakakatawa.

"Pasensya na ha. May nakakatawang bagay lang na sumagi sa isip ko."

"..."

"Nga pala may tanong ako."

"..."

"Gaano na katagal ninyong kilala ni Bettina ang isa't isa?" Tanong niya sa akin na may ngiti.

"Ah... Sa katunayan ay hindi ko alam. Hindi ko naman binibilang."

"Bakit hindi?"

Bakit nga ba? Dahil ba kapag kasama ko siya ay mabilis lang ang oras at pangyayari? Hindi ko nga maalala anong araw ako napunta sa lugar na ito.

"Hindi ko talaga alam dahil hindi ko naman namamalayan."

"Mukhang magkalapit na magkalapit kayo sa isa't isa. Halos... Parang taon na kayo magkakilala," may inggit sa kaniyang tono.

"Kahir, ano ang nakita mo sa kaniya na hindi mo makita sa iba?" Biglaan niyang tanong na kinatulala ko.

Tumawa siya ulit.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wag ka na magmaang-maangan, alam ko naman na may nararamdaman ka para sa kaniya." Tumatawa niyang sabi.

"Hindi ba masyadong mabilis para itanong mo iyan sa akin?" Nagtatakang tanong ko.

Bigla siyang natigilan.

"Kaibigan ko si Bettina. Mabuti siyang tao kahit na ganyan siya may paninindigan siya. Marami na siyang napagdaan sa buhay niya at nasaksihan ko iyon. Isa sa mga maganda niyang katangiaan ang pagkakaroon ng malakas na loob."

Isa isa nagsimula na magbaliktanaw ang aming mga pinagsamahan. Lahat nang iyon ay maganda para sa akin kahit ang mga panahon na pagluha niya.

"Bakit? Wala ka bang nakikitang maganda sa akin?" Biglaan niyang tanong.

"Ano ba ang nais mong iparating? Tatlo na beses pa nga lang kita nakikita tapos ganyan ka na kung magsalita."

"Apat. Apat na beses na tayo nagkita Kahir."

"Apat?"

"Ako yung babaeng niyakap mo sa convenient store. Ako yung tinawag mo sa pangalan ng ibang babae. Ako yung iniyakan mo na ayaw mong bitawan."

"Pero hindi ikaw ang babaeng iyon. Napagkamalan lamang kita."

"Sino ba siya? Siya ba ang una mong mahal? Sa tingin mo ano ang naramdaman ko nung niyakap mo ako?"

"Sinabi kong napagkamalan lamang kita. Hindi mo na kailangan alamin kung sino siya."

Ayaw ko na pag-usapan ang usapin na ito at aalis nalang dahil tuwing naaalala ko si Yesui ay nasasaktan ako dahil sinisisi ko ang sarili ko ngunit pinigilan ako ni Sarah.

"Kung ako yung una mong nakilala, kaya mo ba akong mahalin?"

Napatigil ako at humarap sa kaniya.

"Kung ako nga ang babae na iyon kaya mo ba akong mahalin? Kung ako yung nakasama mo nang matagal kaya mo ba akong tanggapin?"

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now