Chapter 11

30 3 13
                                    

Anong saysay ng buhay kung wala na ang taong pinakamamahal mo? Bakit kailangan maging ganito ang aking buhay?

Naaalala ko pa rin ang kaniyang sinapit. Ang pinakamamahal ko sa lahat. Ang aking sinta, ang aking bitwin ngayon ay wala nang ningning.

"Kahir! Kahir! Bitawan ninyo ako!"

Mahigpit ang aking hawak sa kaniyang kamay.

"Kishana!"

Dahan-dahan ay napaghiwalay nila kami. Pumalag ako sa kanila.

"Kahir! Kahir! Kahir!" Kahit anong pagtawag ko ay hindi ko siya maabot.

Ang mga tao ay parang mga ibon sa bilis ng kanilang pag-alis walang miisa ay tumulong sa amin.

"K-Kishana!" Pilit niyang inaabot ang aking kamay.

"KAHIR!"

Nanlaki ang aking mga mata. Mga luhang dahan-dahan na tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon.

"HUWAG!"

Paulit-ulit nilang sinaksak ang aking pinakamamahal.

"KAHIR!" Hangulngol na tawag ko.

Nang tumumba na siya ay binitawan nila ako. Kaagad akong kumaripas sa kaniyang tabi.

"Kahir, K-Kahir huwag mo akong iwan pakiusap," natataranta at umiiyak kong pakiusap.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay na may dugo dahil sa kaniyang paghawak sa parte kung saan siya nasaksak.

"K-Kishana..."

Inilagay ko ang kaniyang kamay sa aking pisngi. "Huwag mo akong iwan," matapos kong sabihin iyon ay dahan-dahan biglang gumaan ang kaniyang kamay at pumikit ang kaniyang mga mata.

"K-Kahir? Kahir?! KAHIR!" Pagtawag ko habang pinipilit siyang gisingin. Hindi ito totoo! Panaginip lang ito.

"Kahir, ako ito si Kishana! Ako ito! Ang taong mahal mo! Kahir pakiusap! Pakiusap gumising ka!" Humahangulngol kong sabi sa kaniya.

Niyakap ko ang kaniyang bangkay.

"Tulong! Tulungan ninyo kami! Maawa kayo sa akin! Parang awa na ninyo!" Pagmamakaawa ko, umaasa na may iba pang makakarinig ngunit wala.

Dahan-dahan nila ako muling kinuha ngunit ayaw kong bitawan si Kahir ngunit kahit anong kapit ko ay nailayo pa rin nila ako sa kaniya.

Ang araw na iyon ay aking sinumpa na kahit kailan ay hindi ko mapapatawad ang taong naglayo sa amin.

Inaayusan ako ng aking mga alalay. Mga alalay sa dinastiya na ito. Mga taong hindi ko kauri. Ngunit... Bakit hindi nalang ako namatay kasama ng aking minamahal na si Kahir?

"Kamahalan, bakit malungkot nanaman kayo?" Tanong sa akin ni Pengchen

"Alam na ninyo kung bakit."

"Kamahalan limang taon na ang nakakaraan bakit hindi nalang ninyo siya kalimutan?"

Sa kaniyang mga tinuran ay mas lalong naninikip ang aking dibdib. Ang kirot sa aking puso ay walang katumbas. Hanggang ngayon kahit limang taon na ang nakakaraan ay hindi ko kayang kalimutan si Kahir.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now