Chapter 15

32 3 6
                                    

"*weeping* Akin na ang aking manika!"

"Bleh! Kunin mo ito sa amin!"

Patuloy pa ring umiiyak ang batang babae.

"Pakiusap gawa pa iyan ng aking ina."

Nagsitawanan ang mga batang lalaki at patuloy pa rin siyang inaasar.

"Kawawa ka naman hindi mo na makikita ang gawa ng iyong ina."

Biglang sinira ng mga batang lalaki ang manikang gawa sa tela at lupa.

"Huwag!" Pakiusap ng batang babae.

Biglang natamaan ng maliit na bato sa pisngi ang isa sa mga nagsira ng manika ng batang babae.

"Aray!" Sigaw nito.

Napatingin sila sa pinagmulan nito.

"Kayo! Tigilan ninyo siya!" Sabat ng batang lalaki na may dalang tirador.

"Hala! S-si—" nauutal nilang sabi at sabay takbo. Naihulog ng isa sa kanila ang manika.

Nilapitan ng batang babae ang manika at niyakap at iniyakan ito.

Nilapitan siya ng mabuting batang lalaki na tumulong sa kaniya. Tinignan siya ng batang babae.

Kinuha ng batang lalaki ang manika mula sa kaniya.

"Pakiusap huwag mo itong sirain!" Pakiusap ng batang babae habang umiiyak.

Ngumiti ang batang lalaki sa kaniya. "Huwag kang mag-alala ako ang mag-aayos nito para sa iyo."

Biglang tumahan ang batang babae at namangha sa kaniya. Nagkatitigan sila.

"A... Aayusin mo?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

Tumango ang batang lalaki.

"Ngunit..."

"Huwag kang mag-alala libre lang ang pag-ayos ko nito."

Napangiti ang batang babae. Tinulungan siya ng batang lalaki na makatayo.

"Ako si Kahir."

"A... Ako naman si Yesui."

Umalis si Kahir at sinundan siya ni Yesui. Napalingon si Kahir.

"Uh? Nais mo bang makatiyak na ligtas ang iyong manika?" Tanong niya sa kaniya.

Tumango ng marahan si Yesui. Natawa naman si Kahir. Binilisan niya ang paglakad at pumunta sa kanila. Kumuha siya ng sinulid at bulak.

"Dito ka ba nakatira?" Tanong ni Yesui.

Tumango siya. "Huwag kang mag-alala maaayos din ang iyong manika."

"Siya si Zhao Yei."

"Zhao Yei? Bakit ganon ang pangalan niya?"

"Iyon kasi ang binigay na pangalan ng aking ina sa manika ko."

Natawa naman si Kahir. "Huwag kang mag-alala gagamutin natin si Zhao Yei."

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now