Chapter 32

19 3 12
                                    

"Salamat Jesse!" Sabi ko sabay abot sa kaniya ng helmet.

"Good luck bro! 'Wag ka sanang mapagalitan!" Habol niyang sabi sa akin.

Tumakbo na ako papuntang elevator at nakisiksikan sa mga tao roon. Pinagpapawisan ako ng malamig sa kaba ngunit hindi ko ramdam ang pagod.

Nang makatuntong na ito sa ikalimang palapag ay dali dali akong lumabas at doon nakita ko si Bettina.

Hinabol ko ang aking hininga nang makita ko na siya. Sulit ang aking pagtakbo.

"Kahir!" Halos pabulong na niyang tawag sa akin habang papalapit.

"Bettina!" Hinihingal kong bigkas. "Pagtawad kung ngayon lang ako," sabi ko sa kaniya.

"Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Nag-aalalang tanong niya.

Mas inuna pa niya yun kaysa sa pagkahuli ko?

"Hindi ka ba napagalitan?"

"Ako muna ang sagutin mo. Pinag-alala mo ako buong magdamag akala ko nawala ka nanaman."

"Naghanap lang ako ng libreng matutulugan. Hindi ka ba napagalitan?"

Nang makasagot na ako ay parang nawala ang bara sa kaniyang dibdib.

"Hindi pa naman dumarating si Miss Mai pero naghahanda na kami kasi magkakaroon ng fashion week Autumn collection next month".

Hindi ako late? Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil iniligtas ako ng langit o hihimatayin ako sa pagod, kaba para kay Bettina.

"Next month?"

"Oo... Tsaka... May photoshoot ka mamaya."

"Photoshoot?"

"Oo, pang male collection last year. Hindi pa naman nakikita ng madla at kahit sino man kasi wala kaming male model at least ngayon marami nang mag-a-apply kapag nakita ka nila."

"Ah..."

"Tara, pahinga ka muna," sabi niya sa akin sabay hila. Pumunta kami sa office pantry. Pagdating namin doon ay kumuha siya ng paper cup at nilagyan ng tubig.

Inabot niya ito sa akin. Tinaggap ko ito at uminom.

"Pagod na pagod ka ah," natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. May gana pa talaga siyang mang-asar.

"Sorry na nga."

"Bahala ka sa buhay mo," sabi ko sabay balik sa kaniya ng paper cup.

Lumabas ako ng office pantry.

"Ang aga-aga ang init kaagad ng ulo mo," asar niya. "Asar talo!" Sabi pa niya.

Aminim ko man o hindi kapag inaasar niya ako ay hindi ko magawang magalit o mapuno man lang.

Argh! Bettina nakakainis ka! Bakit kailangan ganito! Ibis na magalit o mapuno ako sa iyo ay kinikilig ako!

"Tingin na dito ang baby Kahir ko."

B-baby?!

Napahinto ako sa paglalakad at nararamdaman kong umiinit ang aking mga tenga at pisngi.

"Bettina! Tigilan mo nga ako! I-isumbong kita sa kasintahan mo!"

"Weh? Kaya mo?" Asar pa niya.

Napatakip ako ng aking kalahating mukha nung pumunta siya sa harapan ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"O? Anong nagyari sa iyo? May sakit ka ba?" Tanong niya sa akin.

"La-layuan mo nga a-ako! Mapang-asar!" Sabi ko sabay lakad papalayo sa kaniya.

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon