Chapter 21

24 3 17
                                    

Dumatal ang bukang liwayway at nagsimula na kaming maghalughog sa maalikabok at lumang tahanan ng mga Zhao para sa mga pangkaraniwang mga kasuotan sapagkat ayaw namin maging agaw pansin sa mga taong bayan. Pupuslit kami sa mga manlalako na pupunta ng Mongolia.

Nang makahanap na kami ay kaagad na kami nagpalit. Matapos kong magbihis ay napatingin ako sa hinaba ng aking buhok.

"Kamahalan, maghahanap lamang ako ng ating makakain."

"O sige."

Umalis na si Chunmei at naiwan akong mag-isa. Napansin ko ang silid ito ay parang isang pamilyar para sa akin dahil sa mga disenyo nito.

Kahel na kulay ng mga bulaklak? Hindi kaya kay Yesui ang kwartong ito?

Naghanap kaagad ako ng bagay na magpapatunay na ito'y kaniyang silid at hindi ako nabigo kay Yesui nga ito.

May nakita akong larawan na nakaguhit.

Naluha ako nang makilala ko kung kanino ito. Ito ang ginuguhit ni Kahir para kay Yesui na paliksahan sa bayan. Iyon ang mga araw na tinakdang ikasal pa sila sa isa't isa.

Napahaplos ako sa lumang guhit ni Kahir at tila ito'y naglalaho na.

"K-Kahir..."

Yakapin ko sana ang larawan ng may makita akong isang bagay na nakaipit sa likod nito.

"Kishana"

Kaagad kong kinuha iyon at inalis sa pagkakatupi. Nanlaki ang aking mga mata na ito'y isang liham na galing kay Yesui na nakasulat sa wikang Mongol.

"Kishana,

Sa araw na ito ay ang pagpaparaya ko. Alam ko kung ano ang nakita mo sa aking sinta dahil naramdaman ko rin iyon. Nakita ko sa inyong mga mata nung gabing iyon kung gaano kayo nasasaktan kung paano ninyo pinipigilan ang isa't isa.

Ayaw ko sa iyo ngunit hindi ko magawang magalit sa iyo dahil walang dahilan sa makatwid sakit ang nadarama ko dahil nasasaktan din ako.

Ayaw kong makita kasama ka niya ngunit wala akong magawa kung ikaw ang kaligayahan niya.

Lumuluha ako ngayon at kahit kailan ayaw kong mabasa mo ito dahil nilalabas ko lang ang sama ng aking loob bago ako pumasok sa palasyo bukas."

Ayaw sa akin ni Yesui? Ngunit tinuring pa rin niya akong kapatid at kaibigan?

Na wala ang aking pagkalungkot nang may marinig akong ingay sa labas. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at inawan ang mga ito upang lumabas.

"Ang bilis mo naman yata Chun—!"

Nagulat ako nang hawak siya ng mga kawal at nakita ko si Lord Shi.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Kahit makalunok man ay hindi ko magawa sa sobrang gulat.

Nakita ko na mapula ang kaniyang mga mata. Tiyak ito ay dahil sa kaniyang pag-iyak kahapon sa pagkamatay ni Yesui. Alam ko kung anong nararamdaman ng taong ito kay Yesui ngunit hindi niya alam ang tunay na nararamdaman ni Yesui.

"Kishana... Sabihin mo sa akin kung nasaan si Yei at palalayain ko kayo."

Napatingin ako kay Chunmei na umiiling. Alam ko ang balak ni Lord Shi at ito'y ilibing sa lugar na nanaisin niya ngunit hindi ko kayang baliin ang huling hiling ni Yesui dahil nais kong makabawi.

Taas noo akong sumagot sa kaniya.

"Hindi kita papayagan na alisin siya sa nais niyang karoonan."

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now