Chapter 30

19 3 37
                                    

*Ding... Dong... Ding... Dong*

Sino naman kaya iyon? Hayst! Hindi ba pwedeng maging tahimik itong araw na ito?

Dali-dali kong pinagbuksan ang taong iyon. Nagulat ako nang andito si Sarah.

"Sarah? Anong ginagawa mo rito?"

"Andito ba si Levin?"

"Ah..." Tumingin muna ako sa dalawang lalaking abala at ibinalik ko ang titig ko sa kaniya. "Oo... Andito pinsan mo."

Tumango lang siya at pumasok kaagad sa condo ko. Natigilan siya nung nakita niya si Kahir. Nakita ko sa kaniyang mga mata kung paano ito kuminang.

Tinignan ko naman si Kahir na dedma lang hindi man nga lang tumitingin sa amin dahil focus na focus siya.

Pero... Nalulungkot ako. Halata naman kasi kay Sarah na gusto niya si Kahir. Ako kaya? Halata bang gusto ko rin si Kahir?

"Bettina?"

Ngumiti ako ng mapait sa pagtawag niya.

"Bakit andito si Kahir?"

"Ah... Binisitahan niya kasi ako. Dito siya magdi-dinner along with your cousin."

Bisita ka dyan Bettina.

"Ganon ba? Pwede rin ako maki-dinner.

No! Hindi! Away ko!

"Sure. Feel free anytime."

Nang sabihin ko iyon ay sumulyap ako kay Kahir na ngayon ay nakatingin na sa amin. Ngingiti na ako sana nang makita ko si Levin na tinitignan ako.

Kaya para kunwari wala lang nagyari ay kinausap ko nalang si Sarah.

"Gusto mo ba mag-shots?"

"Shots? Anong alak yan?" Sabi niya na bumungisngis ng tawa.

"Soju."

"Soju?"

Tumango ako. "Favorite yun ni Kahir."

"Talaga! Favorite ko na rin siya ngayon!"

Nalaman mo lang favorite yun ni Kahir, favorite mo na rin! Mas nauna ako sa iyo no!

"Ano pa ang gusto ni Kahir."

"Mahilig siyang mag-drawing."

"So hindi lang siya model? Artist din pala siya."

Ah... HAHAHAH gawa-gawa lang naman namin yung model model na yan pero sa pagiging magaling niya sa larangan ng sining ay hindi ko naman siya masasabihin na 'di maganda dahil totoo na magaling siya.

"Ano pa ang alam mo tungkol sa kaniya?"

"Mahilig siya magbasa—"

"Ng novels? Gosh! Favorite ko rin yun."

Grabe dai hindi mo pa ako pinapatapos.

"Ng dictionary. Favorite niya magbasa ng dictionary at mga language books."

"Hah?... Ang weird naman ng hobby niya pero kakayanin ko."

Kakaiba kaya si Kahir.

"Ano pa?"

"Bakit hindi mo nalang kaya siya tanungin?"

"Hindi niya ako sasagutin." Biglang naging malungkot siya.

"Paano mo naman nasabi?" Nag-aalalang tanong ko.

"Kasi... Kanina kinausap ko siya sa rooftop hindi niya ako sinasagot nang matino."

Baka hindi ka niya type kausap chos! Ang bad ko.

"Ah... Ganon ba... Ganon naman talaga siya nung una ko siyang nakilala. Kaunti lang siya magsalita tapos minsan yung iba masungit pa hahaha..."

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now