Chapter 16

33 3 34
                                    

Hindi ko alam kung ano yun. Pakiramdam ko ay napaginipan ko si Yesui.

Kagigising ko lang at nakita kong wala na si Bettina tiyak ay bumalik na siya ulit sa unang araw ng kaniyang trabaho. Umupo ako mula sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa aking ulo.

Naalala ko ang aking sinabi noon sa kaniya.

"Bago mo makuha ang iyong nais kailangan mong magtyaga na maghintay kahit gaano pa ito katagal."

Isang pagkakamali. Dapat sinabi ko nalang sa iyo nang sa ganon ay hindi mo na ako hinintay.

Napahawak ako sa aking dibdib bigla itong kumirot na napakasakit.

"Yesui... Yesui... Yesui... Patawarin mo ako," halos naiiyak kong sabi.

"Patawad... Yesui... Patawad..."

Hindi ko man lang masabi sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin.

"Patawarin mo ako kung hindi ako natuto... Kung hindi kita kayang mahalin na higit pa sa pagiging magkaibigan," umiiyak kong sabi.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak. Nais ko siyang yakapin. Nais ko siyang yakapin nang mahigpit. Nais kong bumalik sa dati. Nais kong bumalik sa panahon kung saan kasama ko pa siya.

Ngumiti siya sa akin. "Alam kong kaibigan lamang pa rin o kababata lamang ang tingin mo sa akin ngunit hindi mo alam kung gaano mo pinapasaya ang puso kong umaasa sa iyo ngayon."

Nais kong bumalik sa araw na naglakbay kami patungong Chang'an nais kong makita muli ang ngiti niyang puno ng tunay na saya.

Lalo pa ako napahawak sa aking dibdib ng mariin.

"YESUI!" Sigaw ko na nasasaktan.

Yesui...

Yesui...

Yesui...

Pakiusap... Patawarin mo ako... Patawarin mo ako dahil hindi ako nagtagumpay na protektahan ka.

Kinabog ko ang aking dibdib. "ISA KANG HANGAL KAHIR! HANGAL KA!"

Isa akong hangal. Napakahangal ko ngunit anong magagawa ko kung si Kishana ang tinitibok ng aking puso?

Ayaw kong magkunwari na kayo kong subukan kaso kahit anong gawin ko si Kishana pa rin ang nilalaman ng puso ko. Ayaw kong lokohin si Yesui.

May narinig akong hagikgik.

"Anong ginagawa mo?"

Nanlaki ang aking mga mata at kaagad tinignan kung sino ang nasa aking harapan.

"Y-yesui?"

Ngumiti siya sa akin na tila ba hindi ito panaginip.

"Ayos ka lang ba?"

Nang tanungin niya iyon ay naluha ako ulit.

"Tahan na," nakangiti niyang sabi.

"Y— YESUI!"

Kaagad ko siya niyakap at hindi ako nabigo. Naramdaman kong nagulat siya at unting unti umiyak.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at tinignan siya. Sinubukan kong hawakan ang mukha niya ngunit nabigo ako.

"Bakit mo ako iniwan? Kahir!"

Tila ba hindi ako ang kaniyang kausap.

"Y-Yesui! Andito na ako. Nasa harapan mo lang ako," nanginginig ang aking boses sa aking pagluha.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now