Chapter 33

15 3 11
                                    

Mabilis kumilos ang oras at natapos na rin ang office hours. Hinihintay ko nalang si Bettina dahil gusto ko ay sabay na kami umuwi.

Naghihintay ako ngayon sa first floor dahil sabi niya kanina ay dito nalang kami magkita.

Panay ang tingin ko sa aking cellphone dahil sa oras kinakabahan ako na baka nagkasalungat kaming dalawa dahil hindi pa kami nagkikita buhat nung sinabi niya iyon.

Hindi naman nagtagal may tumawag sa akin.

"Kahir!"

Napalingon ako at nakita ko si Levin. Nawala ang aking kaba at napalitan ito ng sakit sa puso nang makita kong magkahawak kamay silang dalawa.

Hindi na ako nagsalita.

"Kahir, sasabay na sa akin si Bettina ah," sabi ni Levin.

"Pero Levin—"

"Ayos lang Bettina, sumabay ka na sa kaniya."

Napatingin sa akin si Bettina at kita ko sa kaniyang mga mata na nag-aalala siya para sa akin.

"Huwag mo na akong isipin magiging maayos lang ako."

"Sigurado ka?" Tanong sa akin ni Bettina.

Gusto ko umiwas ng tingin hanggang sa nakita ko si Gabby.

"Gabby!" Tawag ko.

Napatingin naman sa amin si Gabby at dali-dali lumapit sa amin. Nung makalapit siya sa amin ay kaagad ko siyang hinila.

"May lakad kami ni Gabby, hindi ba?"

Napatingin sa akin si Gabby na gulat at naunawaan naman niya agad ang ibig kong sabihin.

"A-ah oo! May lakad kami ni Kahir! Pahiram muna ng best friend mo Bettina," sabi ni Gabby na nakangiti na naiilang.

Ngumiti rin ako na may pagkailang.

"Ah..." Bakas sa mukha ni Bettina ang lungkot. "Okay lang."

"O? Let's go?" Singit ni Levin.

Tumango nalang si Bettina na may pilit na ngiti na nakapinta sa kaniyang mga labi.

Nang makaalis na sila ay parang akong nabunutan ng tinik sa dibdib ngunit nasasaktan ako.

"Kahir? Okay ka lang? Tulala ka sa kanila no?"

"Ha? Ayos lang ako."

"Ginawa mo pa talaga akong excuse para lang hindi ka ma-hot seat no?"

"Sorry, Gabby."

"Okay lang! Tsaka since broken ang pato ko tara walwal!" Sabi niya sa akin na may patapik tapik pa sa balikat.

"Walwal?"

"Inuman."

"Sige, pero soju lang inuinom ko."

"Weak mo naman! San Mig tayo!"

"Soju lang talaga kaya ko."

"Sige na nga since may pasok pa tayo bukas. Tara shabu-shabu na rin tayo."

"Bawal alak doon diba?"

"Hayst oo nga no. Okay kain nalang tayo sa mga gilid-gilid na may soju."

"Sige."

Naglakad na kami ni Gabby at naghanap ng makakainan na may soju. Hindi naman sa kalayuan ay nakahanap naman kami.

Nag-order ng teribokki at ramen si Gabby pati na rin dalawang bote ng soju. Naupo naman ako at hinintay siya.

Nang makabalik na siya ay sinerve na rin sa amin ang aming order.

"O kamusta?"

"Hindi natuloy ang plano namin ni Bettina."

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now