Chapter 24

29 3 11
                                    

Naluluha akong pumunta sa isang park na hindi kalayuan sa building ng condo ko.

Nasasaktan ako... Sana alam niya kung gaano kasakit sa akin magkunwari na wala lang siya sa akin ngunit kailangan kong kayanin. Kailangan ko masanay na mawawala siya...

Kailangan.

Kung pwede lang nais kong sabihin sa kaniya na halos muntik na ako mamatay kakahanap sa kaniya.

Napansin kong lumalalim na ang Gabi tsaka umuulan na. Saan kaya nagpunta yun?

Napakamot ulo nalang ako at tinignan ang drawing na hawak ko na kanina ko pa pilit inaagaw sa kaniya.

Napangiti ako dahil ito ang unang itsura niya nung nagkakilala kami. Ang stern niya masyado at too frank magsalita.

Nagtatampo ba siya dahil ayaw kong aminin na siya ito? Or may other reasons? Hayst... Hayaan ko na nga matutulog na nga ako.

Inilapag ko sa table yung drawing ko at nahiga na sa kama.

Uuwi rin naman yun. Matapos non ay isinara ko na ang aking mga mata.

Naramdaman ko ang sikat ng araw at kaagad akong nagising at umunat.

"Good morning!" Bati ko at tumingin sa baba kaso wala si Kahir.

"Huh???"

Tumayo ako kaagad. Walang nagbago sa paligid. Ganon pa rin ito like last night.

Saan kaya nagpunta yun? Umuwi ba siya? Baka pumunta lang sa palengke or somewhere. Matawagan nga.

Kinuha ko ang phone ko at ini-start mag-call kaso narinig kong nag-ring ang phone ni Kahir sa loob ng condo.

Iniwan niya yung phone niya?! Hayst!

Lutang ba yun nung lumabas?!

Napahawak ako sa chin ko at napaisip. Gusto ko sanang hintayin siya kaso male-late na ako magagalit nanaman si Miss Mai.

Mabilisan lang ako naligo, sinuot ang pangtrabaho kong damit at nag-commute na. Nang makarating na ako sa office bumungad sa akin si Sarah at hinawakan ang kamay ko.

"Can we talk?" She asked.

Tumingin muna siya sa paligid tsaka ako hinatak papunta sa fire exit. Nang makarating na kami roon ay parang nakahinga siya nang maluwag.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Wala namang problema..." Tugon niya.

"E? Kung ganon bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Don't judge me ah," she said.

"Okay, ano ba yun? Pagagalitan nanaman ako ng tita mo nyan eh."

She take a deep breath. "I think I found him."

"Who?" I asked curiously.

Sino naman kaya yun? I remember na she told me na that she's looking for her soulmate. I know it's weird and unbelievable. Hindi nga ako gaano naniniwala sa soulmate because of my parents. Well... May lahi naman kasi siyang Chinese.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now