Chapter 14

33 3 12
                                    

Matapos ang aming paglalakbay ay nakapunta na rin kami ng Chang'an at nagpasalamat na kami sa mga mababait na ginoo na hinayaan kaming sumabay sa kanila.

Tuwang tuwa si Yesui na parang bata. Kanda may makikita siyang mga tindahan ay pinupuntahan niya ito at tinitigan ang mga tinda.

Hinila niya ako sa isang damitan.

"Kahir! Tara isukat mo ito!" Sabi niya sa akin habang tinuturo niya ang halong kulay ng itim at puti na damit ng mga chino.

"Dapat mikiayon tayo sa kanila," sabi niya sa akin at tinanong ang nagtitinda kung mayroong bihisan dito. Itinuro naman niya ang daan sa dalawang bihisan.

Nang makapasok na ako ay nagpalit na ako agad. Sa aking paglabas ay namangha ako sa itsura ni Yesui at ganon pa man hindi ko na malayan na parehas pala ang kulay ng mga suot namin.

"Bagay mo, Kahir!" Nagagalak na pagpuri niya.

"Bagay mo rin ang iyo," nakangiting papuri kong pabalik.

"Kayo ba ay magkasintahan?" Nakangiting tanong ng nagtitinda.

Natawa ako sa kaniya at umiling. "Hindi po, matalik na magkaibigan lamang kami."

Natawa naman sa akin ang nagtitinda. "Mas mahirap kung tinuturing mo siyang kapatid."

Ngumiti ako at tumango. Napailing ng nakangiti ang nagtitinda.

"Naku, binibini wag kang aasa sa lalaking ito. Masasaktan ka lamang," pabirong payo ng nagtitinda.

Napangiwi nalang siya. Binayaran na namin ang aming mga suot at nagpatuloy na sa paglalakbay.

"Nakakatuwa ang ginang. Akalain mo yun pinayuhan niya akong wag umasa sa iyo samantalang asang asa na ako," tumatawa niyang sabi.

"Sabi rin naman iyon sa iyo ng mga kababaihan sa ating lugar na huwag kang umasa sa akin."

Pinaikutan niya ako ng kaniyang mga mata at pumikit. "Inggit lang sila dahil kahit hindi kita maging kasintahan ay malapit naman ako sa iyo, tsaka may lugar ako sa puso mo—"

"Bilang kapatid."

Tinignan niya ako ng matalim. "Bakit ba naninira ka ng pangarap?"

Natawa ako sa kaniya. "Dahil ayaw kong malunod ka sa panaginip na yan."

Hindi nalang niya ako pinansin at binilisan ang kaniyang paglakad.

"Teka! Hintayin mo ako!"

Kaagad akong humabol sa kaniya. Kakaiba talaga siya magtampo daig pa niya ang pagiging kasintahan kaysa sa pagiging matalik na kaibigan.

Nang naabutan ko na siya mayroon siyang tinitigan sa isa nanamang bilihin.

"Yesui! Ikaw talaga... Bakit ang bilis mo?" Hinihingal kong sabi.

Biglaan niyang nilagay ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang likod.

"Hah? Ang bagal mo kasi!" Sabi niya sa akin na gulat.

"Salamat po ginang," sabi niya sa nagtitinda at nag-abot ng pilak.

Inayos ko ang aking pagkakatayo. Hinawakan niya ang aking kamay. "Malapit na tayo sa kanila."

May natatanaw akong isang bakod sa hindi kalayuan tiyak iyon na ang bahay ng kaniyang kamag-anak. Nang makapunta na kami roon mayroon isang binibini ang nagtanong sa amin.

"Yei."

Nanlaki ang mga mata ng babae.

"Y-Yei?!"

Tumango si Yesui. Kaagad kumaripas ng takbo ang binibini sa loob.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now