Chapter 19

23 3 9
                                    

"Sumama ka sa akin Yei, at mamuhay tayong dalawa sa kahit saang bansa."

"Kahit saan?"

"Sa bansa man ng mga Pranses, Hapones, kahit saan basta malayo rito."

"Hindi ko kaya... Huwag mo akong kausapin na tila pantay lamang tayo."

"Yei... Kaya kong ibigay sa iyo ang lahat."

Nasaksak ang aking puso sa kaniyang tinuran. Kahit ba kalayaan upang makasama ang taong mahal ko papayag ba siya.

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay upang ako'y matigilan.

"Yei... Bakit ayaw mo ba sumama sa akin? Kaya kong higitan ang pag-ibig sa iyo ni ama!"

Dahan dahan ko inangat ang aking paningin dahilan upang magkabanggaan ang aming mga titig.

"Ako ay babae ng kamahalan. Ako ay nangako na hanggang kamatayan siya ay dadamayan."

Kinalas ko ang kaniyang pagkakahawak sa akin.

"Yei... Handa akong bitawan ang aking katungkulan. Handa akong maging alipin at ikaw lang ang mamahalin."

Tila bingi ako at hindi ko pinakikinggan ang kaniyang mga sinasabi.

"Yei, mahal kita... At alam mong handa akong ibigay sa iyo ang aking buhay."

"Kung pagmamahal ang iyong nararamdaman dapat hindi mo ako pinipilit."

"Yei!"

"Tumigil ka na Lord Shi... Pakasalan mo ang Prisensa Qie o si Lady Ruan. Ako na ang pumili sa mga maaari mong maging kabiyak at nasasaiyo na ang disisyon kung sino sa kanila. Hinihintay na lamang ng Kamahalan ang iyong sagot."

"Yei... Kahit ba minsan hindi mo ako tinignan kung paano mo tignan ang Kamahalan?"

Hindi mo alam na kahit sino sa inyo ay wala akong iniibig. Ang tanging pag-ibig ko lamang ay si Kahir.

"Yei... Bakit... Bakit mo ko pinahihirapan ng ganito?" Naiiyak na tanong niya sa akin.

"Dapat alam mo kung saan ka lulugar... Hindi mo dapat pinipilit ang mga bagay na hindi maaari."

Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya mag-isa. Minsan ko siyang naging sandalan ngunit kahit kailan ay hindi ko siya minahal.

Ito na ba ang pakiramdam nang hindi mo kayang magawang mahalin ang isang taong hindi naman tinitibok ng iyong puso? Ito na ba ang nararamdaman ni Kahir sa akin noon?

Sa araw na mismong nakita ko si Kahir hindi ko akalain na makikita ko si Lord Shi...

Nang makaalis na si Kahir naglambot ako at napasalpak sa lupa. Umiiyak ako ng umiiyak hanggang sa may isang kamay ang tumulong sa akin.

Nang akin iangat ang aking paningin nakita ko ang isang maamong mukha ng isang ginoo.

"Binibini... Anong nagyari sa iyo?" Tanong niya habang tinutulungan niya akong makatayo habang naglalambot.

"Bakit ka tumatangis?"

Hindi ako makasagot sa kaniya. Napansin niya ang aking kasuotan at kaagad iniwas ang kaniyang paningin.

"Ayos lamang ako. Pakiusap iwan mo na ako."

Hindi niya ako sinunod at inilagay ang kaniyang palad sa aking noo. "May lagnat ka."

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon