Chapter 13

28 3 11
                                    

*woosh...woosh...woosh...*

*Crip...chip...Crip...*

Ang tunog ng hangin at mga huni ng mga ibon ang tangi kong naririnig sa katahimikan na ito. Ngayon ay nagluluto ako ng kamote at nilagang mais.

Babaunin namin ito para sa aming paglalakbay.

"Ang bango! Gutom na ako!" Biglaan na sabi ni Chilaun.

Bubuksan niya sana ang palayok nang pinalo ko siya sa kamay.

"Aray naman... Bakit mo ako pinalo?"

"Para sa ating lahat ito."

"Ah..... Kaya pala ang daming palayok."

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Nga pala, nakita ko si Yesui nung isang araw nasa pamilihan ng mga damit."

"Ano naman ang ginagawa niya roon?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam ngunit ang ganda ng kaniyang damit na binili tiyak ay gagamitin niya iyon sa isang magarang pagtitipon."

Sa magarang pagtitipon? Ang alam ko ay hindi siya mahilig sa mga ganong bagay.

"Alam mo ba kung nasaan si Yesui?" Tanong ko sa kaniya.

Kumabit balikat siya. "Hindi ko alam, bakit hindi mo tanungin ang mga magulang niya?"

Napaisip ako na puntahan siya. "Ikaw na muna ang bahala sa aking mga niluluto.

"Eh?! Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Kila Yesui!" Sabi ko sabay takbo.

"PWEDE NAMAN MAMAYA! HINDI AKO MARUNONG SA GANITO!" pahabol niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin at hiniram ang kaniyang kabayo at umalis na ako sa lugar na iyon.

Sa aking pagpunta habang kumakaripas ng takbo ang kabayo napansin kong may nagkakaguluhan at lahat sila ay mas naging magulo nang padaan ako at dahil sa mabilis kong pagpapatakbo dahilan para magsitabihan sila ngunit may nasagi silang babae at ito'y mahuhulog sa bangin dahilan para mas bilisan ko ang pagpapatakbo ng kabayo para sagipin siya.

"AAAAHHH!"

Sa mabuting palad ay nasagip ko siya at inilagay sa aking harapan. Nang makaalis na kami sa lugar na mayroon nagkakaguluhan at nasa maayos na daanan na kung saan malayo sa mga bangin ay pinahinto ko ang kabayo para pababain siya.

Ramdam kong takot na takot siya. "Ligtas ka na maaari ka nang bumaba."

Biglang humangin at hinangin ang kaniyang takip sa mukha. Nanlaki ang aking mga mata. Halos parang nawalan ako ng dila.

Nagkatitigan muli kami. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata. Sa sobrang gulat ay muntik na siya mahulog mula sa kabayo ngunit kaagad ko siya nasagip.

Muli ako ay nabighani sa kaniya.

"S-salamat sa pagsagip... H-hayaan mo na akong umalis."

Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo. Nauna akong bumaba at tinulungan siya.

Nagkukunwari kaming hindi magkakilala.

"Mag-iingat ka binibini."

Dahil nawala ang takip niya sa mukha ay tinanggal ko mula sa aking leeg ang nakapalupot kong balabal at ibinigay iyon sa kaniya. Ipinatong ko iyon sa kaniyang ulo sapat para matakpan ang kaniyang buhok at ang kaunti niyang mukha.

Nang ilalayo ko na ang aking kamay ay bigla niya ito hinawakan.

Napatingin ako sa kaniyang kamay at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. Masakit man para sa akin ngunit pinagpatuloy ko lang na kunwari ay hindi ko siya kilala. Sapagkat nakikita ko sa kaniyang mga mata na nagpapahiwatig na tawagin ko siya sa kaniyang pangalan.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now