Chapter 35

11 2 23
                                    

Levin!

Napabitaw ako sa kamay ni Kahir.

"I think nakarating na sa inyo ang good news."

"Ah... Oo," sagot ko.

"Thank you, Mister Willow. If not because of you our company wouldn't be a top-notch again."

"Again? And please skip the pleasantries 'di bagay mukha kang fake."

Nagpigil ako ng tawa sa sinabi ni Kahir.

"Excuse me?"

"Anyway Levin, sabi sa akin ni Gabby tayo raw magkasama?" Pagitna ko baka mag-away pa sila.

"Oo, and I'm happy to have you as my partner."

"Actually Levin kung okay lang pwede ba ako sumama kay Gabby?"

Bumakas sa kaniyang mukha ang lungkot.

"Pero..."

"Please! Kaya mo naman na yan! Alam mo naman ayaw ko yung math."

"Fine."

Yes! Makakasama ko na sila Kahir! At least makikita ko kung dumada-moves si Sarah sa kaniya.

"Bettina, samahan mo na si Levin."

Hah?! Kahir?! Tinutulak mo ba ako?

"How surprising for you to say?"

"May lakad kasi kami ni Bettina."

"Kayo lang?"

"Kaya nga KAMI NI BETTINA, 'di ba?"

Aruy! Nambuburne nanaman siya.

"Bettina? We're going to my parents house this evening."

Hah?! Wala naman siya sinabi kahapon. Wait kalma. Nakakahilo itong umagang ito.

"Kahir, gusto ko talaga sumama sa team ni Gabby, at Levin sorry pero planado na namin yun ni Kahir eh. I hope you understand."

Once and for all na yan. Kapag yan hindi pa naging effective ewan ko nalang.

Napansin kong pinipigilan ni Kahir ngumiti. Habang si Levin naman ay parang bato.

"Okay, let's set the date in other days."

"Okay! You're the best!"

Phew! Yuck! The best ka diyan!

Nauna na kami ni Kahir kay Levin. Hinatid ko na siya sa station ni Kahir at bumungad na sa amin si Sarah.

They casually talk but why I feel bitterness sprouting in the depth of my heart. Hayaan ko na nga at hahanapin ko pa si Gabby.

Kahir

Nakita kong umalis na si Bettina. Tiyak hahanapin niya si Gabby.

"So, Kahir... Excited ka na ba?"

Halos lumulutang ako kaya hindi ko napansin na kanina pa pala niya ako kinakausap.

"Hah?"

Natawa siya. "Hindi ko alam na ako yung magtatahi ng damit mo."

"Hindi ba nag-volunteer ka? Edi sinasadya mo yun," malamig kong sabi.

"Ano ka ba! Kahit volunteer or hindi, I'm honored."

"Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi dahil sa iyo naging top-notch ulit yung company ng family namin."

Kaya ba nasabi ni Levin na "again"?

"Kung hindi mo naman mamasamain gusto ko lang malaman kung bakit ninyo ako pinapasalamatan? At anong ibig sabihin ninyo ni Sir Levin na "again"?"

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon