Chapter 7

28 3 29
                                    

Hindi ko namalayan na natulala ako kanina hanggang ngayon. Sa sobrang paglipad ng aking isip ay nandito na pala kami sa sinasabi ni Bettina na shopping mall bago sa akin ito dahil hindi ako lumalabas ng condo niya.

"Kahir punta tayo sa department store! Maraming section doon na panglalaki."

Hinila niya ako. Sumusunod lamang ako kung saan niya ako dadalhin. Napapansin ko na habang papunta kami sa department store na sinasabi niya ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Marahil ay dahil sa ayos ng kaniyang buhok.

Napahawak siya sa kaniyang bibig. "Oh my gosh! Kahir try mo itong barong!" Sabi niya sa akin.

Napatingin ako sa tinutunkoy niyang damit at sinuri ko ito. May lalaking lumapit sa amin.

"Need assistance po ba ma'am?" Tanong nito.

Ano raw?

"Ah! Oo. Anong babagay sa kaniya?" Tanong niya sa lalaki.

Tinignan ako ng lalaki. "Kulay white po ma'am bagay sa kaniya o kaya rose gold or kung gusto po ninyo is ganito po ang design. Halo po ang kulay."

Napatingin si Kishana at sinuri ang sinasabi ng lalaki.

"Pang-aano po nila?" Tanong ng lalaki.

"Invited kasi kami sa isang party tapos ganito theme eh so yeah."

Ano ang party? Kasiyahan ba iyon?

Napatango naman ang lalaki at ngumiti.

"Gusto po ba nila mag-try? May dressing room po doon banda, samahan ko na po kayo."

Sinundan namin ang lalaki sa sinasabi niyang dressing room.

"Kishana ano ang dressing room?" Pabulong kong tanong sa kaniya.

"Bihisan."

"Ano naman ang tawag natin sa kaniya? Taga tinda?"

Natawa siya sa akin.

"Kung bet mo edi taga tinda ganon din naman meaning ng sales person."

"S-sales person? " Nakakakunot noo kong tanong.

"Anyway kunwari lang may party para hindi naman nakakahiya. Gusto ko lang kasi kitang gawin doll."

Ibig bang sabihin nais niya ako paglaruan?

"Akala ko ba bibilhan mo ako ng damit. Wala naman sa pinag-usapan natin kanina na gagawin mo akong iyong—"

"Sir this way po."

Hindi na natuloy ang aking reklamo.

Pumasok ako sa isang pinto at sinara ito. May salamin na malaki rito at kitang kita ko ang aking itsura. Ibang iba na kumpara sa dati. Napahinga ako ng malalim. Hinubad ko na ang suot ko ngayon natira na lamang ang panloob kong sinasabi nilang sando at sinubukan ang barong na tinatawag nila. Halo ang kulay ng puti at itim. Hindi ko alam kung bagay ko dahil wala naman akong pakialam sa sinusuot ko.

May kumatok.

"Woy tapos ka na ba?" Tanong ni Bettina.

"Oo."

Pagkabukas ko ng pinto nagulat ako nang iba na rin ang kaniyang suot.

"Maganda ba?" Tanong niya sa akin.

"Paano ka naging maganda kamukha mo si Sodako sa napanood ko."

Bigla siyang nagpalobo ng pisngi. "Kapag talaga nakita mo mukha ko one day boom in love ka sa akin!"

Natawa naman ang sales person kanina isa lang siya ngayon dalawa na sila. Isang babae at isang lalaki.

"Ang sweet naman po ninyo ma'am, sir. Gaano na po kayo katagal?" Tanong ng binibini.

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon