Chapter 8

32 3 12
                                    

"Kahir! Kahir!" Pagtawag sa akin ni Chilaun.

"Bakit?"

"Teka... Lang..." Hinihingal na sabi niya. "Mayroong... Hindi.... Sa ibang ruta tayo dadaan."

Napakunot ang aking noo.

"Ibang ruta? Anong ibig mong sabihin? Hindi ba inayos na natin ang ating dadaanan."

"Ngunit!— hindi na tayo maaari na dumaan doon."

Nagtaka ako tiyak na may nagyaring hindi maganda. "O sige, sa ibang ruta tayo dumaan."

Lahat kami ay nag-iba ng pupuntahan na ruta. Maramirami ang aming kalakal ngayon at makikipagkalakalan kami sa bansang China.

"Nga pala may bago ba tayong sali? Narinig ko na may bagong tao ang nagtratrabaho na kasama natin ngayon.

Tumango ako sa kaniyang tanong.

"Ano ang kaniyang pangalan?"

"Wu... Wu Xiao Mei?"

Napakunot noo naman siya. "Hindi ba pangalan iyon ng chino?"

Tumango ako sa sinabi niya. Kakaiba ang pangalan ng bagong sali sa amin.

"Hindi ko nga alam paano siya nakasali sa ating pangkat."

"Tiyak siya ay isang babae."

"Marahil."

"Sa pangalan palang niya ay masasabi ko na galing siya sa magandang pamilya kung kaya ano ang kaniyang ginagawa rito?"

Iyon din ang aking tanong sa aking sarili. Anong ginagawa ng isang chino sa aking pangkat?

"Marahil kilala niya ang mga taong kakalakalan natin," masayahing sabi ni Chilaun.

"Huwag ka masyadong pakampante maaari rin siya magtamo ng kaguluhan sa atin."

Tinawanan lamang niya ako. Si Chilaun ang aking kasakasama simula  nung mga bata palang parang na kaming magkapatid sa sobrang pagkalapit namin.

"Nga pala wala ka pa bang balak mag-asawa?" Tanong niya sa akin.

Tinaliman ko naman siya ng tingin.

Natawa siya sa akin. "Biro lamang, ngunit wala ka ba talagang balak?"

Sa totoo lamang ay wala akong balak na magpakasal dahil alam kong walang kakaibang katangian sa akin at isa pa ulila na ako. Sino ang magkakagusto sa isang malas na tulad ko?

"Ako mayroon na ako napupusuan ngunit ayaw niya sa akin."

Natawa ako sa sinabi ni Chilaun. Isa siyang kagalang-galang na lalaki at ganun pa man ay mayroon nasasakupan ang kaniyang angkan hindi ko nga alam paano ko siya naging kaibigan. Nung nawala ang aking buong angkan ay inalagaan ako ng kaniyang buong pamilya. Hindi ko akalain na makakahanap ako ng tapat at tunay na kaibigan kaya sapat na iyon sa akin.

"Nga pala sabi nila ina at ama kapag hindi raw ako nakahanap ng mapapangasawa ko sa susunod na buwan ay ipapakasal daw nila ako sa isang babae na mataas ang katangkulan sa buhay."

"Tiyak ay ibig mo talaga ang sinisinta mo. Bakit hindi mo siya tanungin kung bakit ayaw niya sa iyo?"

Napahinga naman siya ng malalim sa aking sinabi.

"Hayaan mo na... Sina ama at ina naman ay hindi rin naman magkakilala nung ikinasal sila."

Napailing ako sa kaniya. Ito minsan ang malungkot na katotoohanan sa mga isinilang na may pilak na kutsara.

Napalingon-lingon ako sa aming dinadaanan mukhang may hindi tama.

"Chilaun, mayroon akong nararamdaman na panganib," sabi ko sa kaniya.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now