Chapter 20

22 3 16
                                    

Labis pa rin ang aking pag-iyak. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nasaksihan. Bakit kailangan kunin ng langit si Yesui?!

"Yei!" Sigaw ng emperador.

Natalo ng mga taong nakaitim ang mga kawal ng emperador at dinakip siya.

Napatingin ako sa taong sumaksak kay Yesui. Kaagad ito tumayo at kinuha ang kaniyang sandata. Isinaksak niya iyon sa emperador.

"KAMAHALAN!" Sigaw namin.

Umiiyak ang lalaking sumaksak kay Yesui.

"Shi... Bakit mo ito ginagawa?" Naiiyak na tanong ng emperador sa kaniya.

Shi? Shi! Siya si Lord Shi?! Ang kapatid ng aking asawa?! Hindi na ako magtataka kung bakit parehas sila ng ugali dahil magkadugo sila.

Hindi ako makagalaw sa aking nasaksihan at nasa aking mga bisig pa rin ang walang buhay na si Yesui.

Hindi ako makagalaw sa aking nasaksihan at nasa aking mga bisig pa rin ang walang buhay na si Yesui

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I-ito na ba ang aming kapalaran? Pagkatapos maging tapat sa aming mga pinaglingkuran.

B-bakit nila ito ginagawa sa amin? Ito ba ang mga tadhana ng mga tao na nakatira sa palasyo?

Hindi siya kaagad humarap sa akin at nanginginig na napinagsasaksak ng ilang ulit ang mahal na emperador. Napakasahol... Napakasahol...

May humila sa akin na isang babae.

"Kailangan na po natin umalis!" Sabi niya sa akin at tinulungan akong dalhin si Yesui.

Nabibigatan kami ngunit kinaya namin. Dumaan kami sa isang lagusan na hindi pansinin. Doon ay may nakahanda nang mga kabayo.

"Kailangan na po nating magmadali."

Sumunod lang ako at tinulungan niya akong ilagay si Yesui sa may likod ng kabayo.

Kumaripas na kami ng takbo at pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar.

"Nasaan tayo? At sino ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa lugar po tayo ng mga Zhao."

Zhao? Sino sila?

Napansin niya ang aking pagkalito.

"Sila po ang kamag-anak ni Consort Yei," naiiyak niyang sabi. "Ngunit pinaslang ang kaniyang buong angkan ng mahal na Emperatris," umiiyak na dagdag niya.

"Alam ba niya?"

Tumango siya sa aking tanong.

"Ako po si Chunmei. Dapat ay ibibigay niya ako sa inyong palasyo upang maging bagong alalay ngunit.... Ngunit -"

Naiyak nalang siya at hindi na nakapagsalita.

"Chunmei... Patawarin ninyo ako."

Umiling siya. "Wala po kayong kasalanan, kamahalan. Matagal na po kayong pinoprotektahan ng aking amo kung kaya wala po kayong kasalanan."

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon