Chapter 31

23 3 25
                                    

Naiirita ako kaya agad akong lumabas. Nakakainis kahit kailan ang babae na iyon. Ano ba ang nais niya?

Punong puno na talaga ako sa kaniya. Gusto ko lang naman ng katahimikan. Nais ko lang naman umuwi at makausap si Bettina tulad noon ngunit bakit parang pinagkakait na iyon sa akin?

Napahinga nalang ako ng malalim. Naglalakad lakad ako rito sa labas. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.

Huminto ako saglit nang may madaanan akong waiting bench. Umupo ako roon at tumingin sa kalangitan. Napangiti ako nang maalala ko ang alaala namin ni Bettina nung kami ay nasa MOA.

"Kahir, gawa tayo ng scrapbook!"

"Scrapbook?"

Tumango siya. "Oo! Doon mo ilalagay yung mga picture ninyo together tapos may mga letters, design etcetera!"

"Mukhang masaya nga yan."

"Bili tayo ng materials ah! Tsaka mula ngayon magte-take tayo nang mas maraming mga pictures."

Scrapbook... Magagawa pa kaya namin iyon? Ngayon na lagi nalang may humahadlang? Magagawa pa kaya namin kumuha ng mga larawan sa maikling panahon? O hanggang pangarap at asa na lamang.

Unti unti nawala ang aking mga ngiti at napahinga ng malalim.

Wala naman akong magagawa tiyak hanggang mamaya pa sila roon. Wala akong pupuntahan na iba at wala rin naman akong magagawa. Bakit kasi ang hirap ng sitwasyon ko ganon pa man ang hirap din nang nagsisinungaling.

Napahinga nalang ako ng malalim. Dito nalang kaya ako matulog?

Sinubukan ko kung kakasya ako sa bench na ito kaso hindi. Tiyak paggising ko kinabukasan ay sasakit ang aking buong katawan.

Hihiga na sana ako nang biglang may taong nakatingin sa akin. Nagulat ako. Namimilik mata ba ako?

Nakatingin siya sa akin habang may dala dalang supot ng plastic.

"Sir, gusto mo po ba ng matutuluyan?" Tanong niya sa akin.

Kaboses din niya.

"Pipe po ba kayo?" Tanong niya.

At kaugali rin niya.

"Hindi ako pipe!"

"Oh my! Sorry! Akala ko pipe at bingi ka kasi nakatitig ka lang sa akin tas ang laki pa ng mga mata mo kaya akala ko may sakit ka. Sa totoo nga nyan parang ayaw ko na nga abutan ka ng tulong kasi baka baliw ka."

Pipe?! Bingi?! Baliw?! Nakakairita itong tao na ito!

Napatayo ako. "Wag kang mapanghusga! Hindi ako ganon."

"Ah... Sorry naman po."

Hayst.... Mga tao sa panahon na ito.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Huminga ako ng malalim at wala nang nagawa kung hindi tumango.

"Okay! Follow me!" Sabi niya na parang bata... Na parang Chilaun.

Sinundan ko siya at nakarating kami sa lugar na parang condo kaso hindi kagandahan. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at binuksan ang pinto.

Kakaiba! Kay Bettina ay magpipindot ka lamang ng mga numero ngunit dito ay parang mano manong pamamaraan.

"Vamonos!"

"V-Vamonos?"

"Hindi ka ba nanood ng Dora the Explorer?"

"Dora the explorer?" Nakataas kong kilay na tanong na takang taka.

Puno rin ng pagtataka ang kaniyang mukha. "Ang weird mo. Anyway dito ka sa house na ito. Pagmamay-ari ko ito to be honest ang buong apartment na ito pero walang gusto manirahan dito kaya ginawa ko nalang apartment ng mga na ngangailangan," paliwanag niya habang binubuksan ang ilaw.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now