Chapter 38

8 3 12
                                    

Humahangin ng kay lakas at nandoon ang dalawang dalaga na nag-uusapan.

"Kishana, pakiusap ko sa iyo iwan mo si Kahir huwag mo siyang sagutin! Hindi ka naman niya talaga mahal!" Pagmamakaawa ng babaeng na nakusuot ng lutian.

"Ngunit... Mahal ko siya Yesui."

Unti unting naiyak si Yesui kay Kishana.

"Bakit... Bakit mo siya mahal? Ano ba ang nais mo? Akala ko ba magkaibigan tayo!" Pagsigaw niya kay Kishana.

"Kinaibigan mo nga ba talaga ako? Yesui?" Matapang niyang tanong.

Hindi kaagad makasagot si Yesui sa kaniyang tanong. Hindi inakala ni Yesui ang ganitong tono at tanong.

"Akala mo ba hindi ko pansin na matagal mo na kami nais paghiwalayin? Bakit Yesui? Ano ba ang aking kasalanan sa iyo?"

Pinunasan ni Yesui ang kaniyang luha.

"Lahat ay kasalanan mo, Kishana."

"Lahat?"

"Simula nung dumating ka sa buhay ni Kahir, walang araw na hindi ka niya hanap. Wala rin oras na hindi siya nangulila sa iyo, ngunit kahit minsan ay hindi niya iyon naramdaman sa akin."

Lumunok si Kishana.

"Ako ang kasama niya, ako yung nandoon para sa kaniya. Ako rin ang unang nagmahal sa kaniya pero bakit ikaw? Bakit ikaw yung gusto niya? Bakit ikaw Ang minahal niya? Bakit hindi nalang ako?" Naiiyak na saad sa kaniya ni Yesui.

"Nandoon din naman ako... Pero bakit parang wala ako roon, bakit ikaw kaagad?"

Napatingin naman ng tuwid si Kishana sa mga mata ni Yesui. Umiling siya at napahinga ng malalim.

"Yesui, patawarin mo ako ngunit hindi ko magagawa ang gusto mo."

Nang marinig ni Yesui ang mga salita na iyon mula sa mga labi ni Kishana hindi na niya napigilan at siya tuluyan na ngang lumuha. Napasapo siya sa kaniyang ulo habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kaniyang bewang.

"Yesui... Patawarin mo ako hindi ko-"

"Hindi kita kinaibigan para agawan ako!" Galit na pagputol nito kay Kishana.

Nagulat si Kishana at halos hindi na makakurap sa pagkagulat. Bakas sa kaniyang mukha na hindi siya makapaniwala.

"Kinaibigan? P-para agawan? Yesui... Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya kay Yesui.

Nag-aalab sa galit ang mga mata ni Yesui kahit na siya ay umiiyak.

"Ginamit kita Kishana! Ginamit kita dahil gusto ko na mapalapit siya lalo sa akin ngunit 'di ko inasahan na gusto niya na lalo kayo magkalapit!" Paliwanag nito.

"Nung panahon na nalaman kong niligtas niya ang buhay mo, nagselos ako! Ramdam ko sa buo kong katawan ang selos! Dapat ako yun! Sana ako nalang!" Galit na giit niya.

Napailing naman si Kishana at may mga luhang nagtatakang tumulo mula sa kaniyang mga mata.

"Tinuring kita na parang kapatid. Tinuring kita na parang pamilya dahil mahalaga ka kay Kahir. Hindi ko alam na kakamuhian mo ako dahil hindi ka minahal pabalik ng taong mahal mo," mahinahon na sabi niya kay Yesui kahit na nasaktan ito sa kaniyang mga nalaman.

Sa umaapaw na galit at inggit nito sa kaniyang damdamin hindi niya napigilan sampalin ng isang malakas na sampal si Kishana gamit ang kaniyang kanang kamay.

Dumampi ang palad nito at napahawak si Kishana sa namumula niyang kaliwang pisngi ngayon.

"NAKAKASUKLAM KA!" Sigaw nito kay Kishana habang umiiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now