Chapter 18

34 2 12
                                    

Nakikita ko sa malayo si Kishana at Kahir. Nakita ko kung paano umiyak ang taong mahal ko sa taong mahal niya. Sigurado nagpaalam na siya sa kaniya. Iniwan niya ang taong mahal niya at naglakad papalapit sa akin.

Hindi niya alam na binibitawan ko na siya. Nang makalapit na siya sa akin tila ba hindi siya naapektuhan.

"Kahir, bakit iniwan mo si Kishana?" Tanong ko na nasasaktan ngunit pilit kong tinatago.

"Nagpaalam lamang ako sa kaniya. Huwag mo siyang alalahanin."

Aalis na sana siya nang hawakan ko ang kaniyang kamay.

"Huwag na natin ituloy ang kasal."

Biglang napalingon sa akin si Kahir at kaagad akong hinarap sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin? Bukas na ang ating kasal."

Ngumiti ako ng mapait at puno ng hapdi at pighati. "Alam kong mahal mo ang Gonji. Piliin mo ang tinitibok ng iyong puso Kahir."

Hindi ko mawari ang kaniyang emosyon. Umiling siya. "Hindi! Hindi ko kayang makitang nahihirapan ka sa loob ng palasyo!"

"Mas hindi ko kayang nakikitang nasasaktan o nasasakal sa akin ang taong mahal ko."

"Yesui! Pakiusap huwag!" Hinawakan niya ang aking mga kamay at mariin itong pinisil.

"Kahir, alam natin hindi ka magiging masaya sa magiging buhay mag-asawa natin."

Umiling siya ng mariin at ipinikit ang kaniyang mga mata. "Yesui! Hindi ko kakayanin kapag may nagyari sa iyo sa loob ng palasyo."

"Alam kong mas mag-aalala ka kay Kishana kaya hayaan mo na ako."

"Ayaw ko! Hindi ako pumapayag! Dito ka lang." Tuluyan na nga siyang umiyak sa aking harapan at hinila ako papalapit sa kaniya upang yakapin.

"Oo, mahal ko si Kishana ngunit hindi ko kakayanin mawalan ng taong tinuring ko nang kapatid."

Napapikit nalang ako. Hanggang ba naman sa dulo ay masakit na salita pa rin ang aking maririnig?

"Yesui, pakiusap huwag mo akong iwan. Ituloy na natin ang kasal."

Umiyak na ako sa kaniyang mga bisig.

"Mahal kita Kahir kaya ginagawa ko ito. Pinapalaya na kita! Bumibitaw na ako kaya pakiusap kalimutan mo na ako."

Kakalas na sana ako sa kaniyang mga yakap ngunit mas lalo lamang niya ito hinigpitan.

"Binigay ko na sa kaniya ang panyeta na ibinigay mo sa akin," malamig kong sabi sa kaniya.

Naramdaman kong naglambot siya. Sunod sunod akong lumuha. Naramdaman kong dahan dahan ay lumuwag na ang kaniyang kapit sa akin.

"Kalimutan mo na ako dahil ayaw ko na makita ang iyong pagmumukha."

Kaagad siyang lumayo upang titigan ako sa aking mga mata. "Ayaw ko na ng ganitong pamumuhay hangad ko ang marangyang buhay, Kahir."

Lahat ng aking mga sinasabi ngayon ay kasinungalingan upang saktan ang kaniyang damdamin.

"Isipin mo nalang na ang nakilala mong Yesui ay hindi talaga si Yesui kung hindi ang isang mapagmataas na Zhao Yei."

"Hindi kita maintindihan kung bakit nasasabi mo ito."

"Hindi mo ba nauunawaan? Hindi na kita kailangan sa buhay ko!"

Nang masabi ko yun ay nagulat siya at ganon din ako sa loob ko ngunit kailangan kong magmatigas kung hindi malalaman niyang nasasaktan ako sa aking ginagawa ngayon.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now