Chapter 27

16 2 18
                                    

"Bettina magpakasal na kaya tayo?" Biglaan na tanong ni Levin kay Bettina.

Laglag panga naman itong si Bettina.

"Hah? B-bakit mo naman binanggit yan ngayon? New couple palang tayo," tugon ni Bettina.

"Hindi naman name-measure sa tagal nang pagsasama as boyfriend and girlfriend ang time na pwedeng magpakasal basta as long as mahal ninyo ang isa't isa, right?"

Hindi makakibo si Bettina.

"Bakit, gaano na ba kayo katagal?" Pagsawsaw ko.

Napatingin naman sa akin si Levin at ngumisi.

"Tatlong araw."

"Tatlong araw? Ano kayo Romeo and Juliet? Tsaka kung ayaw ni Bettina bakit mo siya pinipilit? Kung mahal mo talaga siya maghintay ka."

Kumukulo ang aking dugo sa lalaking ito. Nais kong ibuhos sa kaniya ang mga natutunan namin ni Chilaun tungkol sa pagsinta at paggalang dahil halatang kailangan iyon ng lalaking ito.

Natawa siya sa aking sinabi.

"Mahal naman ako ni Bettina, tsaka isa pa I need to tell this first to my mother."

Hindi na ako nagsalita. Nabingi kaming apat sa aming katahimikan hanggang sa nagsalita si Sarah.

"Levin, hindi ba we are hiring?" Pagbasag ni Sarah sa katahimikan namin.

"We're hiring?" Gulat na tanong ni Bettina.

"Ah ye—"

Bago pa makapagsalita si Levin ay ready na ang order namin dahilan para maiwan kami ulit ni Bettina dahil kukunin nila Levin at Sarah ang orders namin ngunit hindi rin kami nakapag-usap dahil kaagad din sila bumalik.

Inilapag nila sa lamesa ang mga order namin.

"As I was saying... Yes, we are hiring," pagtuloy ni Levin.

Ibig bang sabihin ay magkakatrabaho sila? Kung papayag ako magiging katrabaho ko ang lalaking ito?!

"Why didn't you guys told me?!" May pagkainis sa boses ni Bettina.

"Sorry, nalimutan namin ipaalam sa iyo," sabi ni Sarah.

"Ah ganon? Kaya pala mukhang tanga ako kahapon!" Naiirita niyang sabi.

"What do you mean?" Tanong ni Levin.

"Gabby asked me yesterday kung tumutulong na ba ako sa hunting and I was really confused. Hindi ko na naitanong ng maayos dahil pagod na pagod na ako kaya kaagad ako umuwi." Tugon niya.

"Ikaw naman Sarah, bakit hindi mo pinaalam sa akin samantalang we are in the same department?!" Naiinis pa rin na sabi ni Bettina.

"Bettina chill!"

"Chill? How can I chill kung wala akong kaalam-alam sa nagyayari sa office? Akala ba ninyo madali maging second kay Miss Mai? Palibhasa kayo mga kamag anak niya!" Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya.

"Kahir, let's go!" Sabi niya sa akin.

Tumayo na ako at lumakad kasama niya. Napansin kong hindi man lang humabol si Levin pero bakas sa mukha niya na naiirita siya.

Kanino siya naiirita? Sa akin o kay Bettina?

"Bettina..."

"Not now Kahir, wala ako sa mood," sabi niya sa akin.

Humarang ako sa kaniya. "Hindi ba lumabas tayo para makapagsaya tsaka isa pa ikaw ang nag-aya kaya sulitin na natin."

Napatingin siya sa akin at napansin kong naluluha siya.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now