Chapter 5

25 3 16
                                    

Bagong araw at kinabukasan ang bumungad sa aking mga mata. Dalawang linggo na rin ako rito. Nasasanay na ako unti-unti sa panahon na ito ngunit hindi ko pa rin malilimutan ang aking tahanan. Lalo na ang pinakamamahal kong si Kishana.

Binuksan ko ang kurtina para magising si Bettina. May trabaho pa siyang kailangang habulin.

"Gumising ka na Bettina," sabi ko sabay hatak sa kaniyang kumot.

"10 minutes pa ma!" Sabi niya na antok na antok pa.

Ma? Akala ba niya ay ako'y kaniyang Ina?

"Bettina! Huli ka na sa iyong trabaho!"

Napamulat kaagad ang kaniyang mga mata at tumalon pabangon. "Oh my gosh! Late na ako?! Shuta no! My presentation ako this morning!" Sabi niya sabay karipas ng takbo sa cabinet. Kakaiba nga para sa akin ang bagay na yun. Ganon pala ang tawag nila dito roon?

Matapos siya makakuha ng kaniyang mga damit kaagad siya tumakbo papuntang palikuran. Napailing nalang ako. Kumuha ako ng kawali at nagbiyak ng itlog para ipirito tsaka ng bacon bilang tanghalian niya mamaya  dahil alam ko hindi siya kumakain ng almusal. Inihanda ko na ang lahat sa lunch box at inilagay sa isang parang paper na plastic bag.

Matapos niyang maligo at nakabihis na ng pangtrabaho kaagad kong inabot sa kaniya ang hinanda ko para sa kaniya.

Unang beses kong gawin ito.

"Ito na ang tanghalian mo tsaka mayroon na rin d'yan ang paborito mo."

Napatingin siya sa handa ko. "Grabe ka, hindi mo naman kailangan gawin ito."

Inabot ko pa rin sa kaniya at wala siyang magagawa kung hindi tanggapin ito. Napakurap-kurap siya.

"Kumain ka ng marami sobrang payat mo." Kaagad akong umalis sa harapan niya at pinagbuksan na siya ng pinto.

"Alis na wag ka na matulala sa akin."

"Paano mo nalaman na nakatulala ako?"

Hindi na ako nakakibo sa tanong niya dahil hindi ko rin alam kung paano.

"Umalis ka na nga huli ka na!"

Tumango nalang siya at nagsapatos na sabay labas dala-dala ng hinanda ko at bag niya.

Nang makaalis na siya kaagad kong sinarado ang pinto at tila ba nakahingga ako ng maluwag. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko kada may mga pangyayaring ganito?

Bahala na. Makapanood na lang. Binuksan ko ang TV at yung DVD gusto ko manood ng kahit ano. Dati nung unang punta ko rito akala ko ang mga taong nakikita ko sa palabas ay isang mahika na gawa ng mga Yaoque.

"Grabe bored na bored ako," sabi ni Bettina habang nag-uunat.

Napatingin ako sa kaniya at may hawak siyang itim na bagay na hindi ako gaanong kapamilyar.

"Ano iyan?" Tanong ko sabay turo sa hawak niya.

"Tawag dito? Remote."

Ano ang Remote?

May pinindot siya at biglang nagkaroon ng liwanag ang itim na kahon. May nakita akong mga tao na nakakulong doon.

"Mga Yaoque! Sila ang may pakana niyan!" Sabi ko na halos nais kong sirain ang bagay na iyon.

"Kahir wag! TV ang tawag diyan at hindi kung anong mahika!" Pagpigil niya sa akin.

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon