Chapter 9

27 3 10
                                    

Matapos ang mga pangyayaring iyon ay tinatapon ko ang bawat sulat na kaniyang pinapadala. Ayaw ko na siya makita o makausap pa.

Para saan pa? Upang saktan at durugin ang aking sarili?

Dahil hindi natuloy ang pakikipagkalakalan namin ay malaki rin ang nawala sa amin. Ganon pa man ay wala akong sinisisi.

Andito kami salo-salo kaming kumakain. Inaayos pa rin namin ang mga nasira at nawala sa aming mga kalakal.

"Kahir, ginawa ko yung sinabi mo," sabi sa akin ni Chilaun habang kumakain ng kanin.

"Anong sabi niya?"

"Gusto rin niya ako."

"Kinagagalak ko."

"Bakit mas tahimik ka ngayon?"

Napatingin ako sa kaniya at hindi kumibo.

"Alam kong tahimik ka pero hindi ka naman ganyan katahimik na untimo bingi ay mas lalong mabibingi sa katahimikan mo."

Hindi pa rin ako nagsalita.

"Huwag mong sabihin sa akin na dahil ito kay Wu Xiao Mei?"

Nang mabanggit niya ang "Wu Xiao Mei" pakiramdam ko ay isa akong hangal.

"Ayos ka lang?"

"Hindi."

"Kung ganon ano ang meron?"

"Si Wu—"

"Ay si Gonji Kishana tama ba?"

Mas lalo ko lang naramdaman na hangal ako nang marinig ko nanaman ang pangalan niya.

"Huwag mo na siyang banggitin."

"Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka. Tiyak pumapag-ibig ka!" Sabi niya sabay patunog ng kaniyang daliri tapos duro sa akin.

Tinaliman ko siya ng tingin.

"Galit ka nanaman. Ibig bang sabihin non ay totoo ang aking mga tinuran?"

Huminga ako ng malalim.

"Marahil. Huwag kang maingay sa iba ayaw kong isipin nila na inaakit ko ang kamahalan."

"Huwag kang mag-alala maaasahan mo ako."

Kakain na rin sana ako nang biglang tawagin ako ng isa naming kasama.

"Kahir... May naghahanap sa iyo."

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nang makalapit na kami ay nakita ko na balot ang kaniyang mukha.

"Anong maiitulong ko?" Tanong ko.

Dahan-dahan niyang binaba ang takip niya sa mukha.

K-Kishana...

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Kahir, pakinggan mo muna ako."

Hindi ko siya pinansin at kaagad umalis. Sinundan niya ako.

"Kahir, kausapin mo ako."

"Mauna na ako."

Kaagad akong lumayo sa kaniya hanggang hinawakan niya ako sa kamay dahilan para mapatigil ako.

"Kahir, pakinggan mo muna ako. Alam ko—"

"Tinago mo ang katauhan mo sa amin, pinakaba mo ang iyong ama, at halos muntik ka na mamatay. Ano pa ang sasabihin mo?"

"Nais kong maghingi ng tawad."

"Pinapatawad na kita," matipid kong sagot sabay alis.

Ngunit hindi siya sumuko. "Kahir, pakiusap mag-usap naman tayo ng maayos."

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now