Chapter 26

12 2 12
                                    

Maaga ako nagising at gumawa ng tsaa at nagluto ng umagahan. Napansin kong kababangon lang ni Bettina.

Hindi ako sanay na nakikita ang kaniyang mukha.

"Morning, anong breakfast natin?" Tanong niya sa akin.

"Tocino."

"Ah... Okay..."

Umupo na siya sa upuan sa hapagkainan at inihanda ko naman ang umagahan namin.

"Tuloy pa rin ba tayo ngayon?" Tanong niya sa akin.

Kumabit balikat lamang ako.

"Umiiwas ka ba?" May lungkot sa tono ng kaniyang pagsasalita.

Umiling lamang ako.

"Parang ka namang pipe."

Tinignan ko siya at binalik ang aking atensyon sa aking pagkain.

"Kahir... Hindi ako sanay na ganyan ka," biglaan na sabi niya sa akin.

Napabuga ako ng hangin.

"Hindi ba ganito na ako dati pa? Paano mo naman nasabi na hindi ako ganito?"

Natahimik siya bigla. Napansin ko ang pagyuko ng kaniyang ulo.

"Akala ko ayos na tayo kahapon. Nag-sorry pa nga tayo sa isa't isa."

Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy pa rin sa pagkain.

"Kahir? Pwede bang bumalik nalang tayo sa dati? Yung happy-happy lang tapos—"

"May mga bagay na hindi mababalik sa dati, iyon ang natutunan ko."

Matapos kong sabihin iyon ay nabalot na kami nang katahimikan. Matapos namin kumain ay naghugas ako ng mga plato na aming ginamit. Nang natapos na ako ay napansin kong ang lungkot ng mukha ni Bettina.

Nakakailang, hindi ako sanay makita ang kaniyang mukha.

"Sige, umalis na tayo," sabi ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Talaga?! Let's go ano pa hinihintay natin!"

"Pero may condition ako," sabi ko sa kaniya.

"Ano yun?"

"Gusto ko itago mo ang mukha mo. Gusto ko mag-ayus ka sa unang pagkikita natin."

Natahimik siya at hindi makakurap sa aking mga winika. Binigyan niya ako ng ngiti at pumayag siya.

Kaagad siyang pumunta sa palikuran dala dala ang kaniyang mga damit na susuotin pati na ang kaniyang twalya. Hindi naman ganon katagal ay lumabas na siya nang banyo na bihis na bihis.

Hawak-hawak ang aking mga damit at twalya ay dumiretsyo na ako pagkatapos niya. Mabilisan akong naligo at nagpunas Mula ulo hanggang paa. Nagsuot ako ng kulay dilaw na sweater at inangat ito hanggang braso.

Ginamit ko naman ang hairdryer para patuyuin ang aking buhok. Matapos non ay itinali ko ito. Sa aking pagkalabas ay nabighani ako sa aking nakikita.

Alam kong nakita ko nang bihis na bihis siya ngunit hindi ko inaasahan na gagawin niya ang aking nais at iyon ay ang dati kong Sodako.

"Ayos lang ba? Hindi ba ako pangit?"

"Mukha kang Sodako," nagkukunwaring walang pakialam kong sabi.

"I take that as a good compliment," sabi niya.

Sa mga oras na ito ay gustong gusto ko nang ngumiti at tumawa ngunit kailangan kong lumayo pero hindi ko magawa.

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon